Home » Archives by category » Opinyon (Page 424)

PAGNINILAY SA PASKO, HINDI PAGKAIN NG LITSON

Ipagdiwang natin ang Pasko nang taimtim at hindi para maghintay ng regalo mula kay Santa Claus o kanino man. Ang Pasko ay pang-espirituwal na okasyon, hindi puro materyal o kaya’y pagkain ng masasarap na handa katulad ng litson, sinigang na hipon, bulalo at iba pang ma-cholesterol na pagkain na posibleng maging dahilan ng sakit. Magdasal tayo at magpasalamat sa Diyos!

MALING PAGGAMIT SA ROAD USERS TAX, NABUNYAG SA AUDIT REPORT

IPINAGPAPATULOY ng Commission on Audit, na ang mga report sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nagbigay-daan sa pagkakadeklara ng Korte Suprema sa mga nasabing programa bilang labag sa batas, ang tungkulin nito sa pagsusuri sa bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan at pagtuklas ng iba’t ibang iregularidad sa mga ito.

NOCHE BUENA SA GABI BAGO ANG PASKO

ANG Noche Buena (Espanyol para sa “magandang gabi”), isang tradisyong Pilipino na nagmula sa Spain at Mexico, ang gabi—isang kapistahan—bago ang Pasko. Habang hinihintay ang pagsilang ni Hesukristo, nagsasama-sama ang pamilya pagkatapos ng misa sa bisperas ng Pasko (huling Simbang Gabi) ng Disyembre 24 para sa Noche Buena bilang pasasalamat sa mga biyayang tinanggap sa nakalipas na taon, habang umaasam at nananalangin ng kaligayahan at kasaganahan sa susunod na taon.

2 S 7:1-5, 8b-12, 14a, 16 ● Slm 89 ● Lc 1:67-79

Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang bayan. Mula sa sambahayan ni David na kanyang lingkod, ibinangon niya ang magliligtas sa atin, ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng mga banal niyang propeta: kaligtasan mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin.

COMFORT WOMEN, WALANG PASKO

MAGPA-PASKO na naman at napakarami nang Paskong nagdaan, ngunit ang mga comfort woman ay pinagkakaitan pa rin ng biyaya. Hanggang ngayon, ang pinapangarap nilang katarungan ay nananatiling mailap.

WURTZBACH, PINAKAMAGANDA SA MUNDO

MULING nasuot ng Pilipinas ang korona ng kagandahan matapos ang 42 taon nang magwagi bilang Miss Universe si Pia Alonzo Wurtzbach na idinaos sa Planet Hollywood Resort and Casino, Las Vegas, Nevada.

PABIGATIN

SA biglang tingin, ang pagtatatag ng nursing home para sa mga senior citizen ay isang makataong hakbang na nangangalaga sa nakatatandang mamamayan na minsan din namang nagbigay-dangal sa lipunan. Sa isang panukalang batas na isinusulong sa Kamara, ang nursing home ang magsisilbing tahanan ng mga senior citizen na inabandona na ng kanilang mga kamag-anak.

MAY BALAKID, NGUNIT TULOY ANG PAGSULONG

SA dalawang pag-aaral kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumabas ang mataas na kumpiyansa ng mga mamimili at negosyante sa ekonomiya sa fourth quarter ng 2015 dahil sa pagdami ng trabaho, pagtaas ng kita, malakas na pagbebenta, at iba pang dahilan.

PIA WURTZBACH, PANALO SA GANDA, TALINO, AT PUSO

WALANG nanalo sa isang pandaigdigang kompetisyon na hindi napag-isa ang kanyang bansa. Nitong Lunes, mayroon tayong ganito—si Pia Alonzo Wurtzbach ng Cagayan de Oro City na kinoronahang Miss Universe 2015—at napanalunan niya ito sa isang napakadramatikong paraan.

MGA LAWA SA MUNDO, PINAG-IINIT NG CLIMATE CHANGE

NATUKOY sa bagong pag-aaral ng NASA at ng National Science Foundation na mabilis na pinag-iinit ng climate change ang mga lawa sa iba’t ibang panig ng mundo.