Home » Archives by category » Opinyon (Page 408)

ANG ILANG SIGLO NANG KARAHASAN LABAN SA MGA KRISTIYANO SA PAKISTAN

NAPATUNAYAN sa nakapanghihilakbot na suicide bombing sa siyudad ng Lahore nitong Linggo ng Pagkabuhay kung paanong naging madali para sa mga militanteng Islam na puntiryahin ang Kristiyanong minorya sa Pakistan, bagamat may mga Muslim din na nabiktima.

Gawa 3:1-10● Slm 105 ● Lc 24:13-35

Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus…Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Jesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala.

LABAN LANG SA DUKHA

SA presidential debate kamakailan, nang tanungin ng moderator ang mga nagdedebateng kandidato sa pagkapangulo kung sino ang pabor sa death penalty, may kanya-kanyang sagot ang apat na kandidato. Sina Mayor Duterte at Sen. Poe ang nagtaas ng kamay bilang pagsang-ayon, habang sina VP Binay at Sec. Roxas ay hindi sumang-ayon.

ARAW NG BINANGONAN

IPINAGDIRIWANG ngayon, Marso 29, ng mga taga-Binangonan, Rizal ang ika-116 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing bayan na kung tawagin ay Araw ng Binangonan. Ang Binangonan, isang class A municipalitay, ang pinakamalaking bayan sa Rizal. Binubuo ito ng 41barangay kabilang na ang 19 na barangay sa Talim Island. Ang pagdiriwang ng Araw ng Binangonan ay pangungunahan nina Mayor Boyet Ynares, Vice Mayor Rey dela Cuesta at ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan. Tampok ang Misa ng Pasasalamat sa makasaysayang simbahan ng parokya ni Sta. Ursula na patroness ng Binangonan. Susundan ito ng Grand Parade na magsisimula sa harap ng simbahan at lalahukan ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan, mga empleyado ng munisipyo, guro at mag-aaral, kabataan, opisyal ng barangay at senior citizens.

LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS

SA paghuhugas at paghalik sa mga paa ng mga Muslim, Christian at Hindu refugee noong Huwebes Santo, sa Castelnuevo de Porto, Italy, ipinamalas ni Pope Francis ang pambihirang pagmamahal sa mamamayan ng mundo kasabay ang paghahayag na lahat ng tao ay anak ng iisang Diyos.

MAGKABALIKAT

SA kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ang Enhanced Deployment and Cooperation Agreement (EDCA) ay hindi lumalabag sa Konstitusyon, hindi pa rin humuhupa ang mga pagbatikos sa naturang kasunduan na nilagdaan ng US at PH governments. Lalo pa yatang tumitindi ang mga pagtutol ng mga militante at iba pang grupong makabayan sa paminsan-minsang paglulunsad sa bansa ng magkasanib na military exercises na nilalahukan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino.

PINANININDIGAN ANG MGA PINAHAHALAGAHAN HABANG NILALABANAN ANG TERORISMO

INAKO ng Islamic State, isang grupong jihadist na nakikipaglaban sa pagkubkob sa Syria at Iraq para sa sinumpaang layunin na magtatatag ng isang pandaigdigang Muslim caliphate, ang mga pag-atake sa Brussels na pumatay sa mahigit 30 inosenteng tao. Ang nabanggit na grupo rin ang responsable sa mga pag-atake sa Paris, France noong Nobyembre ng nakaraang taon, na ikinasawi ng 130 katao.

HABAG, MALASAKIT, TULONG PARA SA MGA NAIS MAGSIMULA NG MAAYOS AT PAYAPANG BUHAY

TINULIGSA ni Pope Francis nitong Linggo ang “rejection” sa mga refugee matapos masaksihan ng European migrant crisis ang huling tanawin ng desperasyon sa hangganan ng Greece sa Macedonia.

Gawa 2:36-41● Slm 33 ● Jn 20:11-18

Nanatili sa labas ng libingan si Maria Magdalena na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa ay nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Jesus.

IBANG PANANAW NI SEN. ANGARA

NOONG nakaraang linggo, sinabihan ni Sen. Juan Edgardo Angara ang mga kasalukuyang kandidato sa pagkapangulo na maging prayoridad, kung sinuman sa kanila ang mananalo, ang turismo. Bigyang-halaga ang tourism development para sa susunod na administrasyon.