Home » Archives by category » Opinyon (Page 375)

NAG-UUMAPAW ANG PAG-ASA NG MUNDO SA PAGBUBUKAS NG CLIMATE CONFERENCE SA PARIS NGAYONG ARAW

NAKATUTOK ang buong mundo sa Paris, France ngayon, sa pagsisimula sa siyudad ng 21st Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP 21).

ISANG PAGGUNITA KAY GAT ANDRES BONIFACIO, ANG DAKILANG KARANIWANG TAO

BINIBIGYANG-PUGAY ng bansa ang buhay at mga ideyalismo ni Andres Bonifacio, ang Dakilang Karaniwang Tao, sa ika-152 anibersaryo ng kanyang pagsilang ngayong Nobyembre 30.

Rom 10:9-18 ● Slm 19 ● Mt 4:18-22

Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid sa Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”

Rom 10:9-18 ● Slm 19 ● Mt 4:18-22

Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid sa Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”

KUMILOS, ‘WAG PURO SALITA

May kuwento tungkol sa isang salesman na nagbenta ng isang computing machine sa isang kumpanya. Nang siya ay bumalik makalipas ang ilang buwan para bumisita, nagulat siya na nakabalot pa rin ito. “May problema ba?” tanong niya.

PNOY, MANHID NGA BA’T PALPAK?

PARANG ibig ko nang maniwala na talagang manhid (bukod sa palpak) ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino tulad ng akusasyon ni Vice President Jojo Binay. Akalain ninyong minaliit lang o binalewala ang extortion racket na TALABA (Tanim-Laglag-Bala) ng mga walanghiyang tauhan ng Office of the Transportation Security, AvseGroup, screeners, at iba pa sa Ninoy Aquino International Airport na ipinangalan kay Sen. Ninoy Aquino. Kung ‘di ba naman manhid at palpak ang binatang Pangulo, ang sinisisi niya ay ang mga media na pinalalaki lang daw ang mga kuwento tungkol sa nabanggit na modus.

APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO, PAGHAHANDA SA PASKO (Unang Bahagi)

SINASABING ang iniibig nating Pilipinas ay maaga at may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Pagsapit pa lamang ng “ber” months (Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre), ay maririnig na sa mga radyo ang mga awiting pamasko.

GAWANG PINOY

At ngayong ASEAN Integration, ang merkado para sa produkto at talento ay lalawak kaya’t mahalaga na mas umangat ang produktong Pinoy upang magkaroon tayo ng puwesto sa mga umuunlad na negosyo sa buong mundo. Sa puntong ito, mainam na makita natin ang performance ng export industry sa ating bansa.

ISINILANG ANG ASEAN COMMUNITY

MATAGAL na nating tinatamasa ang pagiging isang bansa na naipaglaban sa kalayaan laban sa pananakop ng Espanya noong Hunyo 12, 1896. Simula sa Disyembre 31, 2015, dapat na rin nating ituring ang ating bansa bilang bahagi ng isang pinag-isang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Community.

TAON NG EUKARISTIYA AT NG PAMILYA

SINISIMULAN ngayon ng Simbahan sa Pilipinas ang selebrasyon nito ng Taon ng Eukaristiya at ng Pamilya. Sa pastoral letter nito noong 2012, na may titulong “Live Christ, Share Christ”, hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Pilipinong Katoliko na maghanda para sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa baybayin ng ating bansa noong 1521. Binigyang-diin ng mga obispo ang mga tema para sa novena sa loob ng ilang taon—siyam na taon ng paghahanda para sa masuwerteng ecclesial event na ito. Bawat taon, iniimbitahan ang mga mananampalataya na pagnilayan at pagtuunan ng pansin ang pastoral priority ng Simbahan. Ang taong 2013 ay itinuon sa Integral Faith Formation. Ang 2014 ay inilaan para sa laity. At ang 2015 ay taon para sa mahihirap. Ngayon, tututukan naman ng simbahan ang Eukaristiya at ang pamilya.