NANG ipagdiwang sa Camp Crame ang ika-115 taong serbisyo-publiko ng ating pambansang pulisya nitong nakaraang Miyerkules, may mga pulyetong inilabas ang mga opisina ng Philippine National Police (PNP) na naglalaman ng mga propaganda para sa kani-kanilang proyekto.
SISIMULAN ngayon ng Senado ang imbestigasyon sa pagpapatuloy ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga na nagbunsod na ng daan-daang kamatayan at pag-aresto sa libu-libong tulak at adik. Mahigit 800 na ang napapatay, batay sa datos hanggang sa kalagitnaan ng nakaraang buwan at patuloy na tumataas ang bilang na ito, na nagpapatindi naman sa pangamba sa posibilidad ng paglabag sa karapatang pantao.
SA pagtatapos ng Olympic Games sa Rio, at pagdagsa ng batikos sa halos lahat ng bahagi ng prestihiyosong palaro, mula sa palpak na konstruksiyon hanggang sa polusyon sa tubig, isang simpleng bagay ang ipinanggagalaiti ngayon ng mga residente. Pintasan na ang lahat, huwag lang ang paborito nilang kutkutin.
Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.
ISANG araw may isang hari at nasa kanya na ang lahat—lahat ng mabibili ng pera, bukod pa sa kapangyarihan sa kanyang mga tauhan. Sa kabila nito, hindi siya masaya.
KAPANALIG, nasanay na tayo na base sa taun-taong datos, ang pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa ay ang pagkakaroon ng sakit. Ngayong tumataas ang death rate sa Pilipinas dahil sa drug war ng kasalukuyang administrasyon, magbabago ba ang listahan na ito?
Itinatatag na rin noon ang lalawigan ng Tondo at La Laguna na sakop ang mga bayan sa Rizal. At noong 1853, ang bayan ng Antipolo (lungsod na ngayon), Bosoboso, Cainta, at Taytay ay inihiwalay sa lalawigan ng Tondo. Ang Morong, Baras, Tanay, Pililla, Angono, Binangonan at Jalajala ay inihiwalay sa La Laguna. Ginawa itong isang political subdivision at nakilala sa tawag na Distrito Politico Militar de los Montes de San Mateo. Pagsapit ng 1857 ay nabago ang pangalan at tinawag na Distrito Politico Militar de Morong (Morong District).
MAHIGIT na sa 1,000 ang napapatay ng anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sapul nang maluklok siya sa puwesto. Kahit papaano raw, sabi ng isa kong kaibigang mapanuri, nakatutulong si Mano Digong sa pagbabawas sa populasyon ng Pilipinas na ngayon ay mahigit na yata sa 100 milyon!
NAGING prominenteng usapin ang labor contractualization sa kampanya noong huling eleksiyon kaya naman inirekomenda ng lahat ng kandidato sa pagkapangulo ang pagbuwag—o muling pag-aaral rito upang maging makatwiran para sa mga manggagawa.
DAAN-DAANG aid worker ang pumirma nitong Biyernes sa petisyon para humingi ng mas maigting na proteksyon sa mga lugar ng digmaan, hinimok ang United Nations na tapusin na ang “a culture of silence and dishonesty” na ayon sa kanila ay nagpapahintulot sa mga relief worker upang puntiryahin ng pambibiktima nang walang parusa.