Home » Archives by category » Opinyon (Page 338)

PERYA

TANAW sa mga mata ng karamihan ang kawalan ng pag-asa. May animong lihim ang bawat Pilipino na taimtim nitong pinagkakaingatan na sa pagkrus ng mata-sa-mata, agarang unawa ang suklian ng isang kapatiran kahit tikom ang bibig.

MADALIIN

KAHAPON ko lamang binisita ang aming maliit na bukirin sa isang bayan sa Nueva Ecija, halos dalawang linggo makaraang manalasa ang bagyong ‘Lando’. Bahagya pang nakalubog sa tubig ang malaking bahagi ng palayan na sa tingin ko ay hindi na pakikinabangan; ang mga butil nito ay mistulang nakabalot sa putik.

MALAKI ANG TUNGKULIN NG COMELEC SA PAGBABAWAS SA LISTAHAN NG MGA KANDIDATO

BILANG bahagi ng paghahanda para sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016, pinag-aaralan na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng Certificates of Candidacy na inihain nitong Oktubre 12-16, 2015, upang bawasan ang listahan ng mga kandidato.

KALAHATING MILYON, NAMATAY SA KALAMIDAD SA ASIA PACIFIC

SINALANTA ang Asia Pacific region, ang bahagi ng mundo na pinakamadalas dumanas ng kalamidad, ng 1,625 kalamidad sa nakalipas na dekada, at kinakailangang gumastos pa upang makaagapay sa climate change at makapaghanda sa mas matitinding klima, ayon sa United Nations.

REPUBLIC DAY OF TURKEY

Dahil sa estratehikong lokasyon nito (matatagpuan sa Western Asia at Southeastern Europe), lakas ng militar at masiglang ekonomiya, ang Turkey ay isang regional power. Ang bansa ay miyembro ng iba’t ibang international organization, kabilang ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE), Council of Europe, Economic Cooperation Organization, at North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Rom 8:31b-39 ● Slm 109 ● Lc 13:31-35

Dumating ang ilang Pariseo at binalaan si Jesus: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni Herodes.” Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan n’yo ang musang na ‘yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’

KAMATAYAN

HINDI nagbabago ang aking paninindigan hinggil sa pagpapatupad ng parusang kamatayan bilang hadlang sa karumal-dumal na krimen. Marami nang pagkakataon na ito ay napatunayan, dangan nga lamang at ang pagpapatupad nito ay paudlot-udlot o lumamig-uminit, wika nga. Katunayan, dumating ang pagkakataon na ang naturang parusa ay pinawalang-bisa at ginawang habambuhay na pagkabilanggo na lamang.

PAGPATAY SA MGA KATUTUBO, KAILAN KAYA MAHIHINTO?

ANG mga katutubo ay kapwa natin Pilipino. .Tahimik at maayos silang namumuhay sa mga bundok. Tinatawag din silang indigenous people at Lumad. May sariling tradisyon at kultura tulad ng mga nasa bayan at lungsod. Sa mga kabundukan sa lalawigan ng Pilipinas ay may naninirahang mga katutubo. Sa Rizal, ang mga katutubo ay tinatawag na Dumagat at Remontado. Tahimik na namumuhay at nagtatanim sa kanilang ancestral land na minana sa kanilang ninuno. Ang mga Dumagat at Remontado sa Rizal ay nasa mountain barangay ng Tanay.

PILIPINO BA SI POE?

HUMINGI ng karagdagang panahon si Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) para isumite ang resulta ng kanyang DNA test. Pagpapatunay daw ito na ang kanyang mga magulang ay Pilipino. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ito kung ayon sa international law ay ipinapalagay na ang kanyang magulang ay Filipino citizen dahil sa ating bansa, sa loob ng simbahan ng Iloilo, nakita siya noong sanggol pa siya. Kung Filipino citizen ang kanyang mga magulang, Pilipino din siya, natural born pa, na siyang kuwalipikasyon ng isang tumatakbo sa pagkapangulo.

PACQUIAO, MAG-BOXING KA NA LANG

HABANG nagkakape at nagbabasa ng dyaryo sa paborito kong fastfood outlet, isang senior-jogger ang lumapit sa akin at nagkomento: “Ano ba talaga ang layunin ni Manny Pacquiao sa pagtakbo sa pagka-senador eh, sa Kamara lang ay numero uno siyang bulakbolero at apat na beses lang nakadalo sa sesyon?” Tagahanga siya ni Pacman bilang boksingero ngunit hindi sa pulitika. Ayon sa kanya, hindi na dapat madagdag si Manny sa ilang kasapi ng Senado na mga artista at basketbolista.