Home » Archives by category » Opinyon (Page 3)

Isang malinaw na punto laban sa pagpapalibang muli sa halalan

SA unang pagkakataon na kinansela natin ang eleksiyon para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) noong Oktubre 2016, idinahilan natin ang “election fatigue”. Katatapos lamang natin noong maghalal ng pangulo, Mayo 2016, at naluklok nga sa puwesto si Pangulong Duterte. Nagkasundo ang lahat na pinakamainam ang ipagpaliban ang barangay at SK elections ng kahit isang taon, at itinakda ang botohan sa Oktubre 23, 2017.

Mapapanatili ng ‘Pinas ang mabilis na pag-alagwa ng ekonomiya nito

MATAPOS makapagtala ng 6.5-porsiyentong pag-angat sa gross domestic product (GDP) sa ikalawang bahagdan ng taon, inaasahang magtutuluy-tuloy ang mabilis na pag-alagwa ng ekonomiya ng Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng 2017.

Jos 24:14-29 ● Slm 16 ● Mt 19:13-15

May nagdala kay Jesus ng mga bata para ipatong niya ang kanyang kamay sa kanila at madasalan. Pinagalitan naman ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. Kaya sinabi ni Jesus: “Pabayaan n’yo sila. Huwag n’yong pigilang lumapit sa akin ang mga bata. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Langit.” At pagkapatong ni Jesus ng kanyang kamay sa kanila, umalis na siya.

Maipagkakatiwala ang buhay ng pamilya sa ‘Brio’

MARAMING nagsasabi na ang aksidenteng naganap sa Mindanao Avenue sa Quezon City nito lamang Martes ng hapon ay maituturing na milagro ang pagkakaligtas ng apat sa limang miyembro ng pamilya na sakay sa isang bagong kotse na halos napitpit ng dambuhalang cement mixer na dumagan dito.

Malabnaw na pagkastigo

SA paulit-ulit na pag-ugong ng walang kamatayang isyu na tinaguriang “decades-old multi-billion peso jueteng”, paulit-ulit ko ring binibigyang-diin na ang naturang illegal gambling ay talagang hindi malilipol. Bahagi na ng ating kulturang kasing-tanda na ng panahon na nanatiling kayakap ng nakalipas at ng susunod pang mga henerasyon.

Gitgitan sa pamunuang pulitikal

KUNG mayroon mang bansang hindi kailanman nagkukulang ang bilang ng mga “political parties”, ‘yun ay Pilipinas. At maliwanag na pahiwatig ng katotohanang ito ang kasalukuyang malawakang “recruitment” na isinasagawa umano ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itigil na ang pagpatay

INAMIN na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya masusugpo ang ilegal na droga sa loob ng kanyang termino. Kaya, asahan na ng mamamayan na patuloy ang droga at pagpatay habang siya ang pangulo. Napaniwala niya ang taumbayan noong panahon ng kampanya na magagapi niya ang krimen at droga sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.

US operation: Freedom of Navigation

ISINAGAWA noong nakaraang linggo ng United States Navy destroyer na USS John S. McCain ang tinagurian ng Amerika na “Freedom of Navigation Operation” (FNO) sa South China Sea. Nagawi ito may 12 nautical miles ang layo sa artipisyal na islang itinayo ng China sa Mischief Reef sa grupo ng Spratly Island.

Babala sa pagbili ng mga hindi rehistradong food supplements online

BINALAAN ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng ilang hindi rehistradong food supplements na ibinebenta online.

Jos 24:1-13 ● Slm 136 ● Mt 19:3-12

Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo na hangad siyang subukan, at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?”