Home » Archives by category » Opinyon » IMBESTIGADaVe (Page 21)

Sa BJMP, jail warden ‘tinititigan’ at mababang ranggo ‘tinitingnan’

ARAW ngayon ng Pasko. Ang pagsapit ng dakilang kapistahang ito na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano at paggunita sa pagsilang ng Banal na Mananakop at Anak ng Diyos, na pangakong tutubos sa sangkatauhan, ay kagabi pa inihudyat ng masayang kalembang ng mga kampana sa mga simbahan sa buong bansa.

Pinaka-‘PETMALU’ ang Pinoy sa paggamit ng social media

MAHIRAP nang mapasubalian ang malalim na impluwensiya ng social media sa buhay ng tao sa buong mundo, at ang itinuturing kong pinaka-PETMALU sa paggamit nito ay tayong mga Pilipino.

Mag-ingat sa sunog ngayong panahon ng taglamig!

PASKO na. ‘Di ito mapasusubalian ng nararamdamang nakapanginginig laman na lamig lalo na sa madaling araw, at kurot nitong abot hanggang sa katanghaling tapat.

Fixed term hindi extension para sa AFP, PNP officials

KINILABUTAN ako nang marinig kong isang heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinalawig sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo R. Duterte. Bigla kasing naglaro sa aking isipan na sa kasaysayan sa buong mundo, ang unang niligawan ng mga pinunong naging diktador ay ang mga namumuno sa militar sa pamamagitan ng pag-eextend sa serbisyo ng mga ito.

Tiwaling ahente ng BI, NBI at PNP patong sa Foreign Gangster

HINDI na bago sa aking pandinig ang mga banyagang sindikato na nasasakote ng awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa malalaking krimen gaya ng kidnapping, murder for insurance, smuggling, ilegal na droga at itong pinakalaganap sa ngayon, ang cyber crimes… Noon pa mang nakaraang tatlong dekada ay nagkalat na sila sa bansa at marami nang nabiktima na kalimitan ay mga kababayan din naman nila.

‘Pamantasang mahal, nagpupugay kami’t nag-aalay…’

“PAMANTASAN, pamantasang mahal. Nagpupugay kami’t nag-aalay, ng pag-ibig, taos na paggalang. Sa patnubay ng aming isipan…”
Umpisang bahagi ng awitin ng paaralang aking pinagtapusan noong kalagitnaan ng dekada ’70—ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na mas kilala sa tawag na PLM. Ito ang namumukod-tangi noon na unibersidad sa buong bansa, na wala ni isang sentimo na binabayaran ang mga mag-aaral upang makapagtapos ng isang buong kursong pangkolehiyo!

Drug war ng MPD pinalagan ng 39 na residente

“TAMA NA. Sobra na. Itigil na ang walang katarungang pagpatay sa mahihirap na magkakapitbahay na katulad namin!” Ang namamayaning daing ng mga nakatira sa San Andres Bukid, Maynila na kung ituring mga pulis ay DAGANG DINGDING ng lipunan dahil sa kanilang nagdarahop na kalagayan sa buhay.

Winner kaming mga taga-Quezon City!

TAAL na Manilenyo ako. Ipinanganak at lumaki sa Tondo. Proud ako sa pinanggalingan kong ito na kinailangan kong iwan noong dekada ‘90 nang lumipat kami sa Quezon City upang mapalapit sa pinagtatrabahuhan naming mag-asawa.

‘Bahay-Pugo’ sa MPD-Station 1

DEKADA ‘80 nang marinig ko sa unang pagkakataon ang salitang “Bahay-Pugo” matapos kong sumama sa operasyon ng isang grupo ng mga ahente ng Criminal Investigation Service (CIS) na naka-stakeout sa isang liblib na lugar sa Canlubang, Laguna upang hulihin, buhay man o patay, ang isang notorious “hired killer” na tumbahin na raw. Sa tiyaga at galing ng grupo, bago matapos ang buong araw na iyon, arestado na agad ang suspek na narinig kong dadalhin muna sa “Bahay-Pugo” habang tinatrabaho pa ang ka-grupo nito.

BANK MANAGER NA SCAMMER

NANG mapasyal ako sa National Bureau of Investigation (NBI), nagulat ako sa isang report hinggil sa reklamo ni Alex Allan, isa sa mga iginagalang kong mamamahayag at editor na retirado na, laban sa manager ng isang kilalang bangko na pinagdepositohan niya ng kanyang retirement pay na aabot sa P1.5 milyon na aniya’y unti-unti niyang ginagamit para sa pagpapagamot ng kanyang asawang may Parkinson’s Disease.