Home » Archives by category » Opinyon » IMBESTIGADaVe (Page 2)
Abusadong nabatos na pulis naglipana

Abusadong nabatos na pulis naglipana

SA pakiwari ko’y dumarami ang mga abusadong nabatos na pulis na nagpapatrulya sa kalsada, animo’y mga siga at hari sa lansangan, malayong-malayo kumpara sa mga nakagisnan kong pulis noong aking kabataan, na aming iniidolo at labis na iginagalang.

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Huling Bahagi)

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Huling Bahagi)

MARUBDOB ang paniniwala ko na kapag pinabayaang nakasawsaw ang kamay ni Charlie “Atong” Ang sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay matutulad ito sa naging kapalaran ng larong Jai Alai, na naging baluwarte ng piling sindikato ng mga gambling lord, matapos niya itong hawakan at patakbuhin ng ilang taon.

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Ikatlong Bahagi)

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Ikatlong Bahagi)

NANG marinig ko ang paghahamon ni Charlie “Atong” Ang na kaya niyang palubohin ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng hanggang P60 billion sa loob ng isang taon, at handa pa siyang itaya ang kanyang buhay kapag hindi niya ito nagawa, agad kong itinaas ang dalawa kong kamay bilang pagsang-ayon sa kanyang pagyayabang. ‘Yun lang sure ako, may kalakip na larong ilegal ang kanyang pamamaraan at sa dakong huli, sila lamang ng kanyang piling alipores na mga gambling lord ang makikinabang ng mas malaki.

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Ikalawang Bahagi)

Mga hari at reyna ng ‘1602’ (Ikalawang Bahagi)

ANG utos ng hari ay hindi nababali. Kaya naman nang bitawan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang mabigat na utos sa isang kilalang gambling operator sa buong bansa — “Pumunta ka doon sa PCSO, hintuin mo ‘yang lahat ng illegal at tulungan mo ang gobyerno!” – nagkagulo ang tabakuhan. Nasorpresa ang mga may hawak ng prangkisa ng lehitimong sugalan, na karamihan pala ay mga retiradong heneral.

Mga hari at reyna ng ‘1602’

Mga hari at reyna ng ‘1602’

ANG 1602 ay katawagan ng mga pulis sa Presidential Decree 1602 na pinirmahan ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos noong 1978 para habulin ang mga gambling lord at mga sugarol sa buong bansa.

‘Recycled Cooking Oil’ ‘di alam ng mamimili

‘Recycled Cooking Oil’ ‘di alam ng mamimili

KARAMIHAN sa mga mamimili, sa supermarket man o pampublikong palengke, ay hindi alam na may itinitinda pala na recycled cooking oil at nag-aalala sila na baka ito ang kanilang nabibili at nagagamit sa pagluluto sa bahay.

‘Recycled Cooking Oil’ laganap sa merkado

‘Recycled Cooking Oil’ laganap sa merkado

NAKABABAHALA ang pagbaha sa merkado ng recycled cooking oil o mass kilala sa tawag na “gutter oil, na ipinagbabawal na sa ibang bansa dahil sa panganib na maidudulot sa kalusugan ng kanilang mamamayan, ngunit ini-export naman dito sa atin at tinatangkilik ng nakararami upang makatipid sa kanilang pamamalengke.

‘Lima singko’ ang buhay ng mga abogado

‘Lima singko’ ang buhay ng mga abogado

TAHASANG masasabi na “lima singko” na lang ngayon ang buhay ng mga abogado at hukom sa bansa kung ang pagbabatayan ay ang pinakahuling ulat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), nasa 38 na ang napapatay sa kanilang hanay dahil sa mga kasong hinahawakan ng mga ito, simula nang pumasok ang Duterte administration noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Sa gabi lumilitaw ang bango at ganda

Sa gabi lumilitaw ang bango at ganda

NANINIWALA ako na ang kagandahan at kalinisan ng isang lugar ay nakikita at nasasamyo ilang oras makaraang lumubog ang araw.

‘Pamantasang mahal, nagpupugay kami’t nag-aalay…’

‘Pamantasang mahal, nagpupugay kami’t nag-aalay…’

NANG malaman ko na ang panukalang batas na magbibigay ng buwanang baon na P1,000 sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na itinutulak ni Gatpuno (Mayor) Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay malapit nang makalusot sa City Council, ‘di ko napigil na mapapalakpak sa labis na katuwaaan.