Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 80)

PAG-IKOT NG PLANETA SA POLAR AXIS, NABABAGO NG GLOBAL WARMING

DAHIL sa pag-iinit ng mundo o global warming, nagbabago ang pag-ikot ng Mundo sa polar axis nito. Ito ang natuklasan ng bagong pag-aaral ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

ANG HULING 30 ARAW

ANG huling 30 araw bago ang eleksiyon ay magsisimula ngayon, at ang lahat ng kandidato sa pagkapresidente at bise presidente ay pawang kumpiyansang mananalo sila. Dalawa sa mga kandidato sa pagkapangulo ang nagpahayag nang nangunguna sila sa mga poll survey, habang dalawang iba pa ang hindi nawawalan ng pag-asa sa tulong ng kani-kanilang nationwide organization at pondo. Ilang oras matapos ang halalan sa susunod na buwan, malalaman na natin kung ano ang mas mahalaga sa eleksiyon ngayong taon—ang kasikatan o ang tuluy-tuloy na pagpupursige.

MGA REPORMA SA SISTEMANG LEGAL, PARA SA KATARUNGAN

MAY 86 taon na ang nakalipas simula nang ipatupad ng Pilipinas ang Revised Penal Code noong 1930, na pumalit sa Spanish Codigo Penal na ipinatutupad simula 1886. Panahon nang i-update ang antigong Code na ito, ayon kay dating Justice Secretary Leila de Lima at determinado siyang pangunahan ang matagal nang kinakailangang hakbanging ito sakaling palarin siyang maluklok bilang senador sa eleksiyon.

PANAWAGAN PARA TULDUKAN NA ANG KARAHASAN TUWING ELEKSIYON

ANG karahas tuwing eleksiyon ay matagal nang problema sa ating bansa. Sa halalan noong 2013, nag-ulat ang Philippine National Police (PNP) ng 35 pagpatay, 112 araw bago ang eleksiyon ng Mayo. Sa halalang sinusundan nito—noong 2010—nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) at PNP ng 130 insidente, kabilang ang pagpatay sa apat na kandidato sa pagkaalkalde, bokal, at konsehal, bukod pa sa 31 sibilyan.

BABALA NI OBAMA: ARMAS NA NUKLEYAR SA KAMAY NG MGA KAAWAY

SA isang mundo na laging may banta ng teroristang pag-atake, ang pinakamatinding kinatatakutan ay ang mapasakamay ng grupong tulad ng umatake sa France, Belgium, at Pakistan ang isang nuclear bomb.

ANG MGA HACKER AT IBA PANG MGA banta

ILANG linggo na lamang bago ang eleksiyon sa Mayo 9 nang ma-hack noong nakaraang linggo ang website ng Commission on Elections (Comelec) ng isang grupong may kaugnayan sa Anonymous Philippines. Napasok nito ang database ng Comelec, at nagbabalang masusi nitong susubaybayan kung paano idaraos ang halalan, at hiniling sa komisyon na gamitin ang security features ng mga makinang gagamitin sa botohan. “Commission on Elections, we are watching,” babala ng mga hacker. “Expect us.”

PAGKILING AT KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

NAGBITAW ng ilang puna si Pangulong Aquino tungkol sa mga mamamahayag sa kanyang pagtatalumpati sa harap ng mga delegado ng World Association of Newspapers and News Publishers sa Manila Hotel nitong Miyerkules. Maaaring mabawasan ang mambabasa ng mga lokal na mamamahayag kung patuloy ng mga itong bibigyang prioridad ang mga balitang kontrobersiyal at ibinatay lamang sa espekulasyon, aniya. Nanganganib ang propesyon ng pamamahayag kung hindi malinaw ang linya sa pagitan ng kuro-kuro at balita. “Some articles seem to be written with blatant bias while others fail to adequately represent the situation accurately,” dagdag niya.

MENDIOLA, LUISITA, KIDAPAWAN

ENERO 22, 1987 nang pagbabarilin ng mga operatiba ng pulisya at militar ang mga magsasakang nagmamartsa patungong Malacañang mula sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio kasunod ng rally sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City.

PAMBANSANG ARAW NG REPUBLIKA NG SENEGAL

SA araw na ito noong 1960, natamo ng Senegal ang kalayaan nito makalipas ang tatlong siglo ng pananakop ng France. Ang araw ay karaniwan nang tinatampukan ng talumpati ng presidente, at ng mga parada ng puwersang militar at pulisya ng Senegal na nagmamartsa sa mga kalsada ng Dakar, ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansa.

UNITED STATES, EUROPA, AT NGAYON… PAKISTAN

NAIBA ang anggulo ng mga teroristang pag-atake sa mundo sa pagsabog na pumatay sa 72 katao sa Lahore, Pakistan, nitong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 27. Noon, ang mga pag-atake ng mga Islamist extremist ay sa mga bansa lamang sa Kanluran—partikular na sa Paris, France noong Nobyembre, at sa Brussells, Begium, nitong Marso 22. Sa harap ng mga pag-atake, pinaigting ng United States—ang kauna-unahang nabiktima ng matinding suicide attack sa pagwasak at pagpapaguho sa Twin Towers ng World Trade Center noong Setyembre 11, 2001—ang seguridad sa lahat ng siyudad nito, partikular na sa New York City at Washington, DC.