Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 73)

MALUGOD NA PAGTANGGAP PARA KINA EMPEROR AKIHITO AT EMPRESS MICHIKO

MAINIT ang pagtanggap ng Pilipinas kina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan na nasa bansa para sa limang-araw na pagbisita. Ito ang unang opisyal na pagbisita ng isang Japanese emperor sa Pilipinas, bagamat nakapunta na sina Akihito at Michiko sa Maynila noong 1962 noong sila ay prinsipe at prinsesa pa lamang.

AGARAN AT MAHALAGANG PAGDEDESISYON ANG KINAKAILANGAN SA MGA KASONG MAY KINALAMAN SA ELEKSIYON

BAGO pa nagkaroon ng automated elections sa bansa, ang pag-iimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ng mga balota ay isa lamang simpleng bagay. May espasyo sa balota para sulatan ng botante ng pangalan ng kanyang kandidato sa pagkapangulo, isa pang espasyo para sa napipisil niyang bise presidente, 12 espasyo para sa mga senador, isa para sa kongresista, at isang espasyo para sa ibobotong party-list group.

KAPAYAPAAN ANG ISUSULONG NI JAPANESE EMPEROR AKIHITO SA PAGBISITA SA PILIPINAS

MAGBIBIYAHE ang may edad nang si Emperor Akihito ng Japan patungo sa Pilipinas ngayong linggo upang bumisita sa mga memorial ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang huli sa mga paglilibot niya para sa kapayapaan na taliwas sa paninindigan ng gobyerno ng Japan.

PATULOY ANG PANANAWAGAN NG HUSTISYA ISANG TAON MATAPOS ANG MAMASAPANO

PANGUNGUNAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang paggunita ngayong Lunes sa unang anibersaryo ng trahedya sa Mamasapano, na 44 na Special Action Force (SAF) commando ng PNP ang napatay.

BUKAL NG PAG-ASA ANG EUCHARISTIC CONGRESS SA CEBU NGAYON

MAGBUBUKAS ngayon ang 51st International Eucharistic Congress sa Cebu, 79 na taon makaraang idaos sa Maynila ang unang Eucharistic Congress sa Asia noong 1937.

KARAGDAGANG P11 BILYON PARA SA DEPENSA NG PILIPINAS

NAGAWA ni Senator Juan Ponce Enrile, sa pulong kamakailan ng bicameral conference committee para sa National Budget, na makapagdagdag ng P10 bilyon sa Philippine Air Force para sa pagbili ng mga kinakailangang jet aircraft para sa bansa.

PAGHANDAAN ANG PAGBULUSOK PA NG PANDAIGDIGANG PRESYO NG LANGIS

ANG patuloy na pagbaba ng pandaigdigang presyo ng langis ay maituturing na regalo ng langit sa ating bansa na umaangkat ng petrolyo. Mula sa $120 kada bariles sa pagitan ng 2011 at 2014, bumagsak na sa $52 ang presyo nito noong 2015. Dahil nabawasan ang pandaigdigang pangangailangan at pagsigla ng hindi pangkaraniwang produksiyon nito, partikular na ang shale oil sa Amerika, patuloy na bumubulusok ang presyo, at bumaba pa sa $28 nitong Lunes kasabay ng pagbawi sa Western sanctions sa Iran kaya pinahintulutan ang bansa na muling mag-export ng langis, sa unang pagkakataon sa nakalipas na mga taon.

PUNAN ANG MGA BAKANTE SA GOBYERNO AT LUMIKHA NG ISANG PAMBANSANG PROGRAMA NA MAGKAKALOOB NG MGA TRABAHO

SA mga natitirang buwan ng administrasyong Aquino, makabubuti kung ikokonsidera ang panawagan ni Sen. Ralph Recto na punuan ang daan-daang libong bakanteng posisyon sa gobyerno.

SANGKOT ANG ‘PINAS SA MGA USAPING TATALAKAYIN SA DAVOS CONFERENCE NA MAGSISIMULA NGAYON

BAGO ang taunang pulong sa Davos, Switzerland, sa Enero 20-23, 2016, inilabas ng World Economic Forum ang 2016 Global Risks Report nito, na nagtala sa krisis sa mga migrante sa Gitnang Silangan at Europa bilang pinakamalaking banta sa pandaigdigang kapayapaan. Ang ikalawang pangunahing banta ay ang climate change.

VETO LANG BA ANG TANGING SOLUSYON SA USAPIN NG PENSIYON SA SSS?

IBINASURA ni Pangulong Aquino ang panukalang magdadagdag ng P2,000 sa buwanang pensiyon ng mga retirado ng Social Security System (SSS) dahil, aniya, sa “dire financial consequences” nito sakaling aprubahan. Ang panukala, aniya, ay magbubunsod ng karagdagang pagbabayad sa mga pensiyonado na aabot sa P56 bilyon kada taon. Kapag nangyari ito, masasaid na ang SSS Investment Reserve Fund pagsapit ng 2029.