Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 63)

TRADISYUNAL NA PAHINGA SA PAGLALABAN TUWING PASKO, MAGSISIMULA NGAYONG HATINGGABI

SA nakalipas na maraming taon, nagdedeklara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang New People’s Army (NPA) ng tigil-putukan tuwing ganitong panahon, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas.

MGA KANDIDATO, DAPAT NA MATUTO AT MAKINABANG SA MGA RESULTA NG SURVEY

NATUKOY sa fourth quarter survey ngayong taon ng Social Weather Stations (SWS) ang pagbaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Aquino sa +32, mula sa third quarter net rating niyang +41. Ang +32 ay ikinokonsidera pa ring “good” ng SWS, ngunit ang katotohanan ay nagkaroon ng siyam na puntos na pagbaba mula Setyembre hanggang Disyembre.

BUKAS-PALAD NA TANGGAPIN ANG MGA MAKASALANAN NGAYONG JUBILEE YEAR

BINUKSAN ni Pope Francis kamakailan ang simbolikong “Holy Door” para sa mga kinukutya ng lipunan, sa pagsisimula ng espesyal na Jubilee Year ng Simbahang Katoliko.

PAGBAHA SA GITNA NG TAGTUYOT

Katatapos lang tayong salantain ng bagyong ‘Nona’ na nagbuhos ng maraming ulan, winasak ang mga bahay, itinumba ang mga puno at poste ng kuryente, at nagbunsod ng mga pagguho ng lupa at paglikas ng daan-libong katao sa tatlong araw na pananalasa nito sa Visayas. Ngunit habang umiiwas tayo sa malakas na ulan, nagbabala ang United Nations weather agency na ang umiiral na El Nino phenomenon, na nagbubunsod upang mangatuyo ang mga taniman sa maraming bansa at masira ang mga pananim, ay ang pinakamatindi sa nakalipas na 15 taon.

KAILANGAN NG PAG-UUSAP PARA ISALBA ANG PANUKALANG BANGSAMORO

HINIMOK ng isang opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang grupong Moro na nakipagnegosasyon at nakipagkasundo sa administrasyong Aquino para sa pagtatatag ng Bangsamoro Entity sa Mindanao, ang gobyerno na tiyaking ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na nakabimbin sa Kongreso “will not come out different from the original BBL.”

NAKAKALIBANG, PERO MAS MABUTING TUTUKAN ANG MAHAHALAGANG USAPIN

WALANG dudang nagbibigay ng aliw sa mamamayan ang hamunan at kantyawan sa sampalan o kaya naman ay suntukan ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Mar Roxas ng Liberal Party at Mayor Rodrigo Duterte ng PDP-Laban.

SIMBANG GABI, ISANG MAGANDANG TRADISYONG PILIPINO

SA mga bayan at siyudad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ngayong araw, gigising ang mga Pilipino nang madaling araw para dumalo sa una sa siyam na misa—ang Simbang Gabi—na magtatapos sa Pasko.

HILING NG MGA LUMAD NA MAKAUWI NA SILA NGAYONG PASKO

ANG mga ulat tungkol sa mga Lumad—isang tribu ng katutubo sa Mindanao—ay ilang beses na bumida sa mga balita sa nakalipas na mga buwan. Dahil sa mga pagsalakay at mga pagpatay sa komunidad ng mga Lumad, napilitan silang lumikas patungo sa Surigao City noong Setyembre. Mistulang naipit sila sa paglalaban ng komunistang New People’s Army at ng puwersang paramilitary na ginagamit ng militar laban sa mga rebelde.

KINUMPIRMA NA NG NBI ANG ‘TANIM BALA’ EXTORTION RACKET SA PALIPARAN

SA wakas, matapos ang napakaraming pagtanggi at ‘sangkatutak na pagsisikap upang maibsan ang epekto ng kontrobersiya ng mga insidente ng “tanim bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inilabas na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng pagsisiyasat nito.

MGA SIYENTISTA, NABABAHALA SA BAGONG CLIMATE PACT

MALUGOD na tinanggap ng mga climate scientist ang kasunduang pipigil sa global warming bilang isang pagkakaisang pulitikal, ngunit nagbabala sila sa isang nakaligtaan at mahalagang detalye—walang roadmap sa pagbabawas ng greenhouse gases na siyang ugat ng problema.