Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 56)

KAILANGAN: KOMPREHENSIBONG PLANO PARA SA MGA OFW NA MAGSISIUWI MULA SA GITNANG SILANGAN

GAYA ng pinangangambahan natin noong nakaraang buwan nang magsimulang bumulusok ang pandaigdigang presyo ng produktong petrolyo, libu-libong overseas Filipino worker (OFW) ang naaapektuhan ngayon sa tanggalan ng trabaho sa Saudi Arabia. Ayon sa Migrante International, na nagsusulong sa kapakanan ng mga OFW, may 50,000 manggagawang Pilipino sa mga proyektong konstruksiyon at industriyal ng gobyerno ng Saudi ang mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan. Inihayag na rin ng pinakamalaking kumpanya ng langis sa bansa, ang Saudi Aramco, na magtatanggal ito ng 25 porsiyento ng mga empleyado ng kumpanya.

PAGSUSURI SA ILEGAL NA DROGA, MEDIKAL, AT DNA BILANG MGA USAPIN SA KAMPANYAHAN PARA SA HALALAN

BUKOD sa pahusayan ng mga plataporma sa pangangampanya ngayon para sa eleksiyon, isang labanan ng mga pagsusuri—sa ilegal na droga, medikal, at DNA—ang nagsisilbi ring hamon sa mga kandidato sa pagkapresidente at bise presidente.
Nagtatalumpati si Sen. Grace Poe sa Pangasinan noong nakaraang linggo nang hamunin niya ang kanyang mga katunggali na sumailalim sila sa drug tests. Aniya, mapatutunayan nito na hindi sila sangkot o gumagamit ng ilegal na droga.

WALA PA RING SOLUSYON SA NAKABABAHALANG PAGKALAT NG ZIKA VIRUS

SA nakalipas na mga linggo, naging abala ang media sa mga ulat tungkol sa pagkalat ng Zika virus, na ang mga huling kaso ay naitala malapit na sa Pilipinas, Thailand, Singapore, at China. Nananatiling ang Brazil ang pangunahing apektado ng pandaigdigang emergency, at sa huling tala ng health ministry nito noong nakaraang linggo ay lumobo na sa 4,314 ang kaso ng Zika, na 462 sa mga ito ang kumpirmadong kaso ng microcephaly o ang pinsala sa utak ng mga sanggol ng mga ina na naapektuhan ng virus.

NABUHAY ANG PAG-ASA NG MUNDO SA KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN SA SYRIA

ANG Arab Spring, ang sunud-sunod na paglulunsad ng mga rebolusyonaryo at malawakang kilos-protesta laban sa ilang dekada nang pamumuno sa Middle East at North Africa, ay nagsimula noong huling bahagi ng 2010. Sa sumunod na dalawang taon, maraming diktador ang napatalsik sa kapangyarihan sa Tunisia, Eyypt, Libya, at Yemen. Nagkaroon din ng mga pag-aaklas ang mga sibilyan sa Bahrain at Syria, at malawakang mga kilos-protesta sa Algeria, Iraq, Jordan, Kuwait, Morocco, at Sudan. Kalaunan ay nanamlay na rin ang mga protesta sa harap ng marahas na pagkontrol ng mga estado noong 2012, na nagbunsod sa tinatawag ng iba na Arab Winter.

HINDI NA DAPAT NA MAULIT PA ANG PAGSASAYANG NG TUBIG NA NANGYARI SA STA. MESA

SA loob ng 12 oras noong nakaraang linggo—mula 9:00 ng gabi nitong Miyerkules hanggang 9:00 ng umaga nitong Huwebes—bumulwak ang tubig mula sa nabutas na pangunahing tubo ng Maynilad sa Ramon Mgsaysay Blvd. sa Sta. Mesa, Maynila. Nagmistulang ilog ang kalsada at binaha ang malaking bahagi ng lugar.

MILF O BIFF? ANG KALITUHAN AY NAGDULOT NG PANIBAGONG KAGULUHAN SA MAGUINDANAO

DALAWANG linggo na ang nakalilipas, inihayag ng tropa ng 61st Division Reconnaisance ng Philippine Army na nakikipaglaban sila sa armadong kalalakihan sa Maguindanao at pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang mga ito. Nagsimula ang paglalaban sa bayan ng Datu Salibo na kalaunan ay lumipat sa Datu Saudi Ampatuan.

PAMBIHIRANG PANSAMANTALANG PAGKAPARALISA, INIULAT NG WHO KASABAY NG EPIDEMYA NG ZIKA

ISANG pambihirang neurological disorder ang napapaulat ngayon sa ilang bansa sa Latin America na apektado rin ng epidemya ng Zika virus, ayon sa World Health Organization

DAPAT NA MAGSILBING INSPIRASYON SI GORE PARA HIGIT NA PAGSIKAPAN ANG RENEWABLE ENERGY

SA susunod na buwan ay bibisita sa Pilipinas ang pangunahing nagsusulong sa mundo ng pagkilos laban sa climate change, si dating United States Vice President Al Gore, bilang bahagi ng pandaigdigang pagsisikap niya upang himukin ang mga gobyerno at mga bansa na talakayin ang mga seryosong usaping pangkalikasan na dulot ng pag-iinit ng mundo o global warming.

SINIMULAN NA ANG 90-ARAW NA KAMPANYA PARA SA 2016 PRESIDENTIAL ELECTION

NAGSIMULA na nitong Martes, Pebrero 9, ang 90-araw na pangangampanya ng mga kandidato sa mga national position, sa karaniwan nang sigla ng eleksiyon sa Pilipinas. Halos kasabay nito, inilabas ang resulta ng isang public opinion survey na nagpapakita sa biglaang pagpapalit-palit ng kapalaran ng mga kandidato sa pagkapangulo. Gayunman, mistulang walang epekto ang survey sa sigla ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na naglunsad ng kampanya sa kani-kanilang baluwarteng lugar sa bansa, lahat at umaasa ng tagumpay sa Mayo 9, 2016.

TAYO ANG NASA FRONTLINES SA PROBLEMA NG NORTH KOREA DAHIL SA MISSILE

NANG mag-launch ang North Korea ng ballistic missile—na isa lang umanong rocket na maglalagay ng satellite sa orbit—nitong Linggo ng umaga, lumipad ang missile mula sa silangang bahagi ng South Korea, dumaan sa Okinawa prefecture ng Japan, at nag-landing sa Pacific Ocean malapit sa Batanes sa Pilipinas.