Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 4)
Magandang balita: Muling bumaba ang inflation rate

Magandang balita: Muling bumaba ang inflation rate

HUMUPA sa 2.3 porsiyento ang inflation sa bansa—presyo ng mga bilihin para sa mga ilaw ng tahanan—ngayong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority. Sa kaparehong panahon nang nakaraang taon, nasa 5.7% ang inflation sa buwan ng Hulyo at patuloy ang pagtaas. Umabot ito sa 6.4% noong Agosto, 6.7% noong Setyembre, bago ito nagsimulang bumaba sa huling tatlong nalalabing buwan ng taon.

Winakasan na ng US ang programa para sa mga Pilipinong beterano ng WWII

Winakasan na ng US ang programa para sa mga Pilipinong beterano ng WWII

TINAMAAN na ng kampanya ni United States President Donald Trump laban sa mga imigrante sa Amerika ang mga Pilipino. Inakala natin na ang unang mapapalabas ng bansa ay ang mga nakapasok lamang at ‘overstayed’ na kilala bilang mga TNT—o “tago nang tago.” Sa halip, tinamaan rin ng administrasyong Trump ang mga anak ng mga Pilipinong beterano ng World War II (WWII) na naghihintay na makasama ang kanilang mga magulang sa Amerika.

Makatutulong ang mga bagong alkalde sa proyekto kontra baha

Makatutulong ang mga bagong alkalde sa proyekto kontra baha

MATINDING trapik ang nararanasan sa maraming bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes. Dulot ito ng pagbaha na dahilan kung bakit hindi maraanan ang mga kalsada, sa kabila na hindi naman partikular na malakas ang bumuhos na ulan.

Nadagdagan na naman ang kaso ng mass killing sa Amerika

Nadagdagan na naman ang kaso ng mass killing sa Amerika

PANIBAGONG malawakang pagpatay ang naganap sa Estados Unidos nitong Sabado—20 ang namatay, 26 ang sugatan—nang isang armadong lalaki na may bibit na armas pangmilitar, pinaniniwalaang isang Ak-47, ang pumasok sa isang abalang tindahan ng Walmart sa El Paso, Texas, at agad na nagpaulan ng bala sa mga kostumer. Makalipas ang ilang oras, panibagong armadong lalaki ang pumatay ng siyam na katao at sumugat sa 27 sa Dayton, Ohio. Nangyari ang pamamaril wala pang isang linggo makaraan ang isang katulad na insidente ng pamamaril sa isang garlic festival sa Gilroy, California, kung saan apat na katao ang namatay habang nasa 15 ang sugatan.

Pagsiguro sa integridad ng mga matataas na gusali

Pagsiguro sa integridad ng mga matataas na gusali

ISANG 5.5 magnitude na lindol ang tumama sa Itbayat, Batanes, Sabado ng madaling araw, na sinundan ng mas malakas na 5.9 magnitude makalipas ang tatlong oras at isa pang pagyanig makalipas ang dalawang oras na may lakas na magnitude 5.8. Siyam na katao ang nasawi habang nasa 653 ang sugatan. Maraming istruktura ang nasira, kabilang ang konkretong kampanaryo ng Simbahan ng Nuestra Senora del Rosaria.

Inaalala natin ngayon si Corazon C. Aquino

Inaalala natin ngayon si Corazon C. Aquino

INAALALA natin ngayon, sa kanyang ikasampung taong kamatayan, ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas – si Corazon C. Aquino – na nanguna sa panahon ng transisyon para sa pagbalik ng bansa sa demokratikong pamamahala noong 1986 makalipas ang 20 taong panahon ng martial law at awtoritaryan na pamumuno.

Tumama ang heat wave sa Europa, 4 na taon matapos ang Paris Agreement

Tumama ang heat wave sa Europa, 4 na taon matapos ang Paris Agreement

NARARANASAN ngayon ng Europa ang heat wave na bumasag sa maraming tala ng temperatura sa maraming bansa. Naitala sa Paris, France ang 42.6 degree Celsius nitong nakaraang Huwebes, Hulyo 25, na bumasag sa 70-taong record ng 40.4°C. Kumalat na ang heat wave sa buong bahagi ng Kanlurang Europa—38.7°C sa Cambridge, England; 41.8 C sa Begijnendijk, Belgium; 39°C sa Luxembourg; 40.7°C sa Gilze-Rijen, Netherlands; 42.6°C sa Lingen, Germany.

Dapat natin panatilihin ang hangaring self-sufficiency sa bigas

Dapat natin panatilihin ang hangaring self-sufficiency sa bigas

NAKAMIT na ng Rice Tariffication Law ang hangarin nito na mapanatiling mababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pag-angkat ng bulto ng murang bigas mula sa Vietnam at Thailand. Ngunit ipinagkait naman nito sa mga Pilipinong magsasaka ang dati na nilang merkado, kaya naman hindi malayong matunghayan natin ang pagwawakas ng produksiyon ng bigas sa ating bansa.

Isang ‘win-win approach’ para mapakinabangan ang yaman ng South China Sea

Isang ‘win-win approach’ para mapakinabangan ang yaman ng South China Sea

ANG nagkakatalong pag-aangkin ng Pilipinas at China sa South China Sea, partikular ang 200-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na pinalitan ng pangalan bilang West Philippine Sea, ang patuloy na nangingibabaw sa mga talakayan.

Binigyang-diin ng Pangulo ang problema ng trapiko sa Metro

Binigyang-diin ng Pangulo ang problema ng trapiko sa Metro

KASAMA sa tinalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong nakaraang Lunes ang muling pagbibigay ng direktiba sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang sangkot na opisina ng pamahalaan upang agarang masiguro ang mabilis at maaliwalas na daloy ng trapiko sa Metro Manila at iba pang lungsod sa bansa.