Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 2)

UNICEF- 72 taong pagtulong sa mga bata sa buong mundo

ITINATAG ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong 1946 para sa layuning pangalagaan ang buhay ng mga bata na nagsisikap na malampasan ang pinsalang idinulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Labing-pitong taon na ang nakalilipas at hanggang ngayon patuloy na isinasabuhay ng UNICEF ang misyon nitong matulungan ang mga bata sa buong daigdig, kabilang ang Pilipinas na nagdiriwang ng UNICEF Month ngayong Nobyembre, 2018.

Pagsisiguro ng ating karapatan sa oil exploration agreement

MATAGAL nang naninindigan si acting Chief Justice Antonio T. Carpio sa kanyang oposisyon sa kawalan ng aksiyon ng administrasyong Duterte sa naging hatol noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, na nagtatakwil sa pag-aangkin ng China sa halos lahat ng bahagi ng South China Sea at pagpapatibay ng karapatan ng Pilipinas sa mga reef, shoals at banks na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

‘Judges-at-large’, makatutulong sa paghupa ng siksikan sa mga korte

INENDORSO ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, pinuno ng Senate Committees on Local Government and Ways and Means, nitong nakaraang linggo ang pag-aapruba ng plenaryo para sa isang panukalang-batas na lilikha ng 100 posisyon para sa “judges-at-large” sa mga Regional Trial Court at 50 posisyon para sa mga municipal trial court.

Pagkilala sa Bayani Ka! volunteer awardees ng Western Visayas

PITO sa 30 community volunteer-nominees para sa 5th Regional Bayani Ka! Awards ang kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng programang Kapitbisig Laban sa Kahirapan: Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi: CIDSS), nitong Biyernes.

Determinado ang mga senador na siyasatin ang budget bill

REENACTED o lumang budget ang gagamitin sa 2019 dahil determinado ang Senado na gawin ang tungkulin nito na dinggin ang P3.757 trilyong panukalang budget sa 2019 na aprubado na ng Kamara de Representantes, ngunit para lamang ito sa isang buwan, pahayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nitong Miyerkules.

Bagong panahon ng kapayapaan, pag-unlad sa Mindanao

MALAKI ang ginampanang tungkulin ng mga Tausug sa paglikha ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sinabi ni Deputy Presidential Adviser on the Peace Process Nabil Tan kamakailan, sa pagdaraos ng serye ng mga palihan sa Jolo, Sulu, bilang bahagi ng paghahanda sa plebisito sa Enero, 21, 2019, para sa pagraratipika ng batas na lumilikha ng rehiyon.

Ang ating rice program kasama ang Papua New Guinea

LAMAN ng mga balita kamakailan ang Papua New Guinea bilang lugar ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) ngayong taon, na dinaluhan ng mga pinuno ng 21 miyembrong bansa sa rehiyon. Sa unang pagkakataon sa loob ng 25-taong kasaysayan, natapos ito nitong Linggo ng hindi naglabas ng isang pormal na pinagkasunduang pahayag, dulot ng dalawang pinakamalaking miyembro—ang Estados Unidos at China—na bigong magkasundo sa kalakalan.

Mga pagpupulong para sa Regional Economic Partnership

KABILANG sa mahahalagang bagay na tinalakay sa idinaos na pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore kamakailan ay ang mungkahing Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na layuning magtatag ng isang bagong ugnayang pangkalakalan sa bahaging ito ng mundo.

Pinahahalagahan natin ang sariling konsepto ng nasyonalismo

KASABAY ng paggunita sa ika-100 anibersaryo ng Arministice Day, na nagwakas sa sa Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa noong Nobyembre 11, 1918, nagbabala si French President Emmanuel Macron laban sa lumalakas na “old demons”, tulad ng makabansang ideyolohiya ng Nazism na ipinaglaban ng Amerika at iba pang mga bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Magbabalik na ang mga Balangiga bells sa Samar

SA wakas, makalipas ang 117 taon, ang mga kampana ng Balangiga, na simbolo ng mapait na kasaysayan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano sa digmaang Pilipino-Amerikano na naging hudyat ng pagtatapos ng pananakop ng mga Espanyol at ang pagsisimula ng kolonyal na panahon ng Amerikano, ay magbabalik na sa simbahan sa Samar kung saan ito kinuha bilang “war booty” noong 1901.