Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 136)

CHIEF JUSTICE RENATO C. CORONA

NAGHAHANDA si dating Chief Justice Renato C. Corona sa paglilinis sa kanyang pangalan at pagbawi sa kanyang puwesto sa Korte Suprema nang pumanaw siya dahil sa atake sa puso nitong Biyernes ng madaling-araw, Abril 29. Siya ang kaisa-isang Punong Mahistrado na napatalsik sa puwesto. At dahil sa kanyang biglaang pagpanaw, nagwakas na rin ang plano niya upang pagpagin ang batik sa kanyang pangalan.

MGA KAPISTAHAN, MGA BULAKLAK, AT ELEKSIYON NGAYONG MAYO

ESPESYAL ang buwan ng Mayo para sa mga Pilipino. Ito ang buwan ng mga piyesta, dahil maraming bayan sa iba’t ibang panig ng bansa ang magbibigay-pugay sa kani-kanilang patron. Ito rin ang buwan ng mga espesyal na kapistahan na umaakit ng mga bisita mula sa iba’t ibang dako ng bansa at ng mundo. Ito ang buwan ng mga bulaklak, dahil Mayo nagsisimulang umulan pagkatapos ng maaalinsangang buwan, at masasamyo ang halimuyak ng mga sampaguita, ilang-ilang, rosas, at iba pang bulaklak—para sa Flores de Mayo.

ANG HULING LINGGO NG KAMPANYA

ITO na ang huling linggo ng kampanya para sa eleksiyon at itotodo na ng maraming kandidato ang kani-kanilang pagpupursige upang makamit ang suporta ng mga botante. Opisyal na magtatapos ang kampanya sa Sabado. Araw naman ng pahinga ang Linggo. At sa ganap na 6:00 ng umaga sa Lunes, Mayo 9, ay magsisimula na ang botohan.

CHINA, SINASANAY ANG MGA MANGINGISDA SA MILITARISASYON SA INAANGKING SOUTH CHINA SEA

KUMPLETO ang ipinagkakaloob na suporta sa grupo ng bangkang pangisda sa maliit na bayan ng Baimajing sa isla ng Hainan, mula sa mga pagsasanay at mga subsidiya mula sa militar hanggang sa gasolina at yelo, sa pagbubuo ng China ng mas sopistikadong fishing militia na maglalayag sa pinag-aagawang South China Sea.

BINIGYANG-DIIN NG SANTO PAPA ANG KANYANG APELA SA KRISTIYANONG EUROPA PARA SA MGA MUSLIM REFUGEE MULA SA SYRIA

DETERMINADO si Pope Francis na buhaying muli ang kanyang mga pagsisikap upang tulungan ang mga Syrian refugee nang bumisita siya sa isla ng Greece na Lesbos may dalawang linggo na ang nakalipas, at isinama sa kanyang pagbabalik sa Vatican ang 12 Syrian at tatlong pamilya. Mula sa Syria, lumikas ang tatlong pamilya patungong Turkey, bago naglakbay papuntang Greece sa pamamagitan ng pagtawid sa Aegean Sea, hanggang nakarating sa Lesbos na rito ay nasumpungan nila ang daan-daang iba pang refugee na pawang tinutunton ang gitnang Europe.

ISANG CZAR PARA SA TRAPIKO, PARA SA ENERHIYA, PARA SA TRABAHO

ISANG traffic czar — ito ang magiging solusyon ni Senator Grace Poe sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila. Kapag nahalal, agad niyang itatalaga ang tatawagin niyang “traffic terminator” na may ranggong Gabinete at ang tanging tungkulin ay ang resolbahin ang problema sa trapiko, kabilang ang pagpaplano sa mga proyektong imprastruktura at pagkumpleto sa mga ito sa takdang panahon.

PATULOY TAYONG UMASA NG MAGANDANG BALITA PARA SA MINDANAO

Nitong Lunes, pinalaya ng New People’s Army (NPA) ang mga pulis mula sa Davao na siyam na araw na binihag ng mga rebelde. At nitong Lunes, isa sa tatlong dayuhang dinukot ng Abu Sayyaf ang napaulat na pinugutan dahil sa kabiguan ng pamilya nito at ng gobyerno na magbayad ng ransom.

MARAMI PA ANG MAAARING MAGBAGO NG KANILANG ISIP

SA gitna ng pagsusulputan ng napakaraming opinion survey na nagbibida ng pangunguna ng iba-ibang kandidato, ang marahil ay pinakamahalagang tuklas ay ito—na halos kalahati ng mga sinarbey ang nagsabing maaaring magbago pa ang kanilang isip.

ISANG PAMBIHIRA AT MAKASAYSAYANG SANDALI SA UNITED NATIONS

SA pagsisimula ng paglagda sa Paris climate change agreement na isinagawa sa United Nations sa New York City nitong Biyernes, Abril 22, si Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang lumagda para sa Pilipinas. Kasabay nito ang pandaigdigang selebrasyon ng Earth Day.

ANG PINAKAMAHALAGANG TAO SA HALALAN

SINIMULAN na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapadala sa 56.7 milyong balota para sa eleksiyon sa Mayo 9 na sisimulan sa pinakamalalayong lalawigan. Ang pag-iimprenta ng mga balota ay nakumpleto noong Abril 8 at ang pagberipika sa bawat balota, upang matiyak na hindi ito iluluwa ng makina, ay nakumpleto nitong Biyernes.