Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 135)

ISANG TUNAY NA KOMPREHENSIBONG METRO TRAFFIC PLAN

NGAYON pa lamang ay sinimulan na ni incoming Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pakikipag-ugnayan sa mga pangunahing opisyal ng DPWH at Department of Transportation and Communication (DoTC) kaugnay ng plano na maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

SAN ANTONIO DE PADUA,PATRON NG MGA MILAGRO AT DALUBHASA SA KASULATAN

GUNIGUNITA natin ngayon ang buhay at mga gawa ni San Antonio de Padua, Doctor of the Church, Patron ng mga Milagro, at santo ng mga nawaglit o nawawalang bagay.

ISANG PANAHON PARA MANAHIMIK

NAGLABAS ng pahayag kamakailan si Archbishop Socrates Villegas, ang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, kasunod ng akusasyon ni President-elect Duterte sa mga Pilipinong obispo at pari ng pagiging ipokrito at pagkakasangkot sa kurapsiyon at pagbatikos sa Simbahang Katoliko bilang “most hypocritical institution.” Bilang tugon, pinili ni Archbishop Villegas ang “silence of Jesus before the arrogance of Pilate.”

PINAKAAABANGAN ANG 17TH CONGRESS

NABIGO ang huling pagtatangkang pawalang-bisa ang pagbasura ni Pangulong Aquino sa panukalang P2,000 Social Security Pension sa huling araw ng Ikalabing-anim na Kongreso nitong Lunes ng gabi. Ibinasura ng kapulungan, sa pamamagitan ng voice vote, ang resolusyong inihain ng kinatawan ng party-list na si Neri Colmenares upang mapawalang-bisa ang veto. Tinanggihan naman ng mga pinuno ng Kamara ang apela para sa nominal vote, sinabing wala na rin itong saysay dahil nagsara na ang Senado.

ISANG BAGONG GRUPO, ISANG BAGONG PROBLEMA

Iniulat kamakailan ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na 54 na militante na tinukoy na mga kasapi ng Maute Group ang napatay sa pinagsanib na opensiba ng militar at pulisya sa Lanao del Sur.

PINAG-AARALAN NG WHO ANG SITWASYON NG ZIKA AT NG RIO

MAGDARAOS ang World Health Organization (WHO) ng emergency meeting anumang araw ngayon upang muling pag-aralan ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng pagsasagawa ng Summer Olympics sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

KAYA BA NIYANG GAWIN ITO?

NAKALULULA sa dami ang botong nakuha ng administrasyong Duterte dahil sa ipinangako nitong pagbabago. Ipinangako ang pagbabago sa maraming larangan sa bansa—upang matamasa ang benepisyo ng umuunlad na ekonomiya hanggang sa pinakamahihirap na mamamayan, pagkakaloob ng mas malawak na awtonomiya sa ilang rehiyon, na inaasahang magbubunsod ng mas malaking oportunidad sa kaunlaran, paghahatid ng kapayapaan sa sariling rehiyon ni President-elect Duterte, ang Mindanao, at makipagkasundo hindi lamang sa mga grupo ng Moro kundi maging sa mga rebeldeng Komunista ng New People’s Army.

PAGSUSULONG NG KAPAYAPAAN SA CPP, NPA, NDFP

KABILANG sa mga pagbabagong inaabangan ng bansa sa pagsisimula ng administrasyong Duterte ay ang pagbibigay-tuldok sa ilang dekada nang rebelyon ng New People’s Army (NPA). Tinangka ng papatapos na administrasyong Aquino na wakasan ang labanan sa Mindanao sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ngunit hindi nakipagnegosasyon sa NPA. Ngayon, bahagi ng programa ni incoming President Rodrigo Duterte ang makipagkasundo sa NPA.

MAKATUTULONG ANG IMBESTIGASYON SA SISTEMA NG ATING ELEKSIYON

ANG pag-amin ng tatlong whistleblower na sangkot sila sa pagbabago ng resulta ng botohan sa probinsiya ng Quezon ay hindi makaaapekto sa resulta ng pambansang halalan—ang proklamasyon kina President-elect Rodrigo Duterte, Vice President-elect Leni Robredo, at sa 12 nahalal na senador, sa pangunguna ni Senator Franklin Drilon.

APELA NG U.N. SA SYRIA UPANG MAKAPAGHATID NG TULONG SA MGA NAGUGUTOM

HINIMOK ng United Nations, nang may suporta ng United States, Britain at iba pang makakapangyarihang bansa, ang gobyernong Syrian na tuldukan na ang lahat ng pagsalakay at pahintulutan ang U.N. na maghatid ng ayuda sa daan-daang libong naipit sa digmaan sa Syria.