Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 134)

KAILANGANG AMYENDAHAN ANG BATAS PARA SA ILANG MAHAHALAGANG PAGBABAGO

ALINSUNOD sa kanyang ipinangako noong kampanya na susugpuin niya ang kriminalidad at ang pagkalat ng ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, iminungkahi ni presumptive President Rodrido Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan dahil inaasahang mapipigilan nito ang krimen. Iminungkahi pa niya na pagbibigti ang igawad na parusa, sa halip na lethal injection, na naging kapalit naman ng silya elektrika na dating ipinatutupad sa Pilipinas bilang pinakamatinding parusa sa pagkakasala.

NAPAPANAHONG PAALALA PARA SA LAHAT NG MAGTUTUNGO SA RIO

WALA nang tatlong buwan bago ang Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto 5-21, nagpalabas ng advisory ang World Health Organization (WHO) para sa mga kalahok sa Games, gayundin sa kasunod na Paralympics. Higit pa sa pagkakaloob ng partikular na mga direktiba sa mga atleta sa kung ano ang dapat gawin upang protektahan ang kani-kanilang sarili, dapat na makatulong ang advisory upang mabigyan ng katiyakan ang mga planong dumalo sa Games.

ISANG HEALING PRESIDENCY

HINDI pa naipoproklama si President-elect Rodrigo Duterte ngunit pambihira ang pangunguna niya sa nakuhang mga boto kaya naman tinututukan ngayon ng lahat ang bawat kilos niya, pinakikinggan ang sinasabi ng lahat niyang close aide at tagapayo, at hinuhulaan ang mga posible niyang ilapat na solusyon sa sangkaterbang problema na kinahaharap niya at ng buong bansa.

SANIB-PUWERSANG PAGPAPATRULYA SA MGA KARAGATAN SA KATIMUGAN

NANAWAGAN si Defense Minister Ryamizard Ryacudu ng Indonesia ng pinaigting na sanib-puwersang pagpapatrulya sa karagatan na nag-uugnay sa Indonesia sa Pilipinas, Malaysia, at Brunei, pawang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Malacca Strait at ang karagatang nag-uugnay sa apat na bansa ay hindi dapat na matulad sa karagatan ng Somalia na naging talamak na ang pambibiktima ng mga pirata, aniya.

DAPAT NA TANGGAPIN ANG ANUMANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN

LUNES, Abril 25, nang palayain ng New People’s Army (NPA) ang limang pulis-Davao, na tinawag nilang “prisoners of war”, kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Nakipag-usap ang alkalde sa kumander ng Pulang Bagani Battalion ng NPA na nagsuko ng mga pulis sa kanya.

SI PANGULONG AQUINO AT ANG KANYANG PAMANA SA BAYAN

MAHIGIT isang buwan na lang ang nalalabi bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, sinimulan nang idetalye ni Pangulong Aquino ang kanyang mga naisakatuparan sa nakalipas na anim na taon. Sa isang panayam, sinabi niyang umaasa siyang maaalala siya ng bayan sa pagtupad sa kanyang ipinangako na tatapusin niya ang pamumuno sa bansa na mas mabuti ang lagay kaysa nang magsimula ang kanyang administrasyon noong 2010.

TULUY-TULOY ANG PAKIKIPAGDIGMAAN NG WEB GIANTS SA ONLINE PROPAGANDA NG ISLAMIC STATE

PATULOY na pinaiigting ng awtoridad sa United States at mga dambuhalang kumpanya ng social media ang mga pagsisikap na kontrahin ang online propaganda ng grupong Islamic State (IS), bagamat hindi malinaw kung gaano kaepektibo ang mga ito para mapigilan ang public-relations machine ng mga jihadist.

LA NIÑA ANG MARARANASAN SA TAG-ULAN, BABALA NG PAGASA

SA taunang pagpapalit ng panahon sa Pilipinas, nakaaapekto sa ating bansa ngayon ang pandaigdigang kambal na phenomena ng El Niño at La Niña, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.

INTERNATIONAL DAY OF FAMILIES

BILANG pagkilala sa katotohanang mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya sa pagtiyak sa kapakanan ng bawat miyembro nito, pagkatuto at pakikisama ng mga bata at kabataan, at pangangalaga sa mga paslit at matatanda, ipinatupad ng United Nations (UN) ang tema ng paggunita sa International Day of Families (IDF) ngayon na, “Families, Healthy Lives, and Sustainable Future.”

MINDANAO—DUMATING NA ANG PANAHON PARA SA REHIYON

ANG pagkakahalal kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang susunod na pangulo ng Pilipinas ay nagpasigla ng pag-asa na mapagtutuunan na ng sapat na atensiyon ang Mindanao kumpara sa natamo nito sa nakalipas na mga administrasyon.