Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 132)

MGA SIYENTISTA, NABABAHALA SA BAGONG CLIMATE PACT

MALUGOD na tinanggap ng mga climate scientist ang kasunduang pipigil sa global warming bilang isang pagkakaisang pulitikal, ngunit nagbabala sila sa isang nakaligtaan at mahalagang detalye—walang roadmap sa pagbabawas ng greenhouse gases na siyang ugat ng problema.

PANININDIGAN SA MGA DEMOKRATIKONG PRINSIPYO AT KARAPATANG PANTAO

ANG banta ng terorismo na ipinananakot ng mga radikal na grupong Islam ay naging sentro na ng kampanyahan para sa eleksiyon sa Amerika, matapos na umapela ang pangunahing Republican presidential candidate na si Donald Trump ng “total and complete shutdown on Muslims entering the United States until our country’s representatives can figure out what is going on.”

PAGPAPATIGIL SA PAMAMASADA NG MGA LUMANG JEEPNEY SA METRO MANILA

NAKIPAGPULONG ang mga driver ng jeepney sa Metro Manila sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa unang bahagi ng linggong ito tungkol sa napaulat na plano na i-phase out na ang mga lumang jeepney. Nagbanta ang Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na maglulunsad ng tigil-pasada upang iprotesta ang napaulat na plano na ipagbawal na ang pamamasada ng mga jeep na 15 anyos pataas.

PAG-ASA, MGA INAASAM SA PARIS CLIMATE TALKS, MAGTATAPOS NGAYON

HINDI lamang ang naging karanasan sa pananalasa ng pinakamatinding bagyong tumama sa kalupaan sa mundo—ang ‘Yolanda’ noong 2013—ang naging papel ng Pilipinas sa tatapusing United Nations (UN) climate talks sa Paris, France, kundi ang pagsuporta, kasama ang 35 iba pang bansa, sa inisyatibong magsusulong ng geothermal energy sa mga papaunlad na bansa.

PANUKALANG BBL ‘DI NA MAGAGAWANG MAAPRUBAHAN SA TARGET NA PETSA

MAYROONG puntiryang petsa na Disyembre 16 para aprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ipapasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang magtatatag sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) bago ang bakasyon sa Pasko.

DALAWANG MAHAHALAGANG PETSA PARA SA MGA KANDIDATO SA ELEKSIYON 2016

MAY dalawang petsa sa kalendaryo ng Commission on Elections (Comelec) na mahalaga para sa mga kandidato—partikular na para sa mga gustong maging susunod na pangulo ng bansa—sa eleksiyon sa susunod na taon.

TULOY PA RIN BA ANG ‘TANIM BALA’ SA NAIA? MAGPAPATULOY ANG IMBESTIGASYON NG KAMARA

Setyembre ngayong taon nang mabalita sa mga pahayagan at sa telebisyon ang pagpipigil at pagkakapiit sa paliparan ng mga pasaherong nahuhulihan ng bala sa kanilang bagahe, na nagsimula sa isang 56-anyos na overseas Filipino worker (OFW), na mula sa Ilocos Sur ay pabalik na sa kanyang trabaho sa Hong Kong.

BILYONG-DOLYAR NA DONASYON PARA SA ISANG MASAYA AT MAGANDANG MUNDO PARA SA MGA BATA

SI Mark Zuckerberg ay isang Harvard dropout na kasamang nagtatag ng Facebook at naging bilyonaryo noong 2007, nagkamal ng yaman na tinataya ngayong aabot na sa $45.4 billion.

ASAHAN NATIN ANG ISANG MAKULAY NA PANGANGAMPANYA NGAYONG ELEKSIYON

ITO na siguro ang magiging pinakamakulay na eleksiyon sa nakalipas na mga taon, na dalawa sa mga kandidato sa pagkapangulo ang sangkot sa malalaking kontrobersiya na karapat-dapat sa headline treatment ng mga pahayagan.

NAGPAPATULOY ANG PAGHAHANAP NG SOLUSYON SA TRAPIKO SA METRO MANILA

MATAPOS ang sandaling pahinga sa isang linggong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Metro Manila, nagbalik ang mas lumala pang trapiko at nakaisip ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng bagong ideya upang maibsan ang trapiko ngayong holiday season.