Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 131)

NAGPAPATULOY ANG PAGHAHANAP NG SOLUSYON SA TRAPIKO SA METRO MANILA

MATAPOS ang sandaling pahinga sa isang linggong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Metro Manila, nagbalik ang mas lumala pang trapiko at nakaisip ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng bagong ideya upang maibsan ang trapiko ngayong holiday season.

POLITICAL ADS SA KASAGSAGAN NG PANGANGAMPANYA

MATAGAL-TAGAL pa bago simulan ang kampanyahan para sa mga pambansang posisyon, ngunit ngayon pa lang ay pangkaraniwan nang sumisingit sa panonood natin ng telebisyon ang political ads ng mga kandidato sa pagkapangulo. May batas laban sa “premature campaigning” ngunit noong 2009, nagdesisyon ang Korte Suprema sa kasong Penera vs. Commission on Elections na batay sa bagong Poll Automation Law, maaari lamang parusahan ang isang krimen sa eleksiyon kapag ginawa ito sa panahon ng kampanya.

KARAGDAGANG PUWERSA SA ATING LIMITADONG KAKAYAHAN SA PAGDEPENSA SA BANSA

SAMPUNG taon na ang nakalipas, taong 2005, nang iretiro ng Philippine Air Force (PAF) ang mga F-5 jet fighter nito mula sa United States. Sa panahong ito ng mga jet at iba pang paraan ng modernong gamit pandigma, pinagtiisan ng PAF ang mga luma nitong eroplanong de-elisi sa mga reconnaissance flights at pambobomba sa mga rebelde sa katimugan.

MAKATUTULONG ANG MGA PROYEKTO SA RENEWABLE ENERGY PARA MAPIGILAN ANG CLIMATE CHANGE

NILAGDAAN ng mga negosyante sa Pilipinas noong Oktubre ang 2015 Manila Declaration bilang suporta sa programa ng gobyerno sa climate change. Partikular na sinusuportahan ng Deklarasyon ang Intended Nationally Determined Contribution (INDC) ng gobyerno, ang komprehensibong climate change agenda ng Pilipinas na isinumite na sa ginaganap na United Nations Conference on Climate Change sa Paris, France. Nagtakda ang Pilipinas ng pambansang target na bawasan ang carbon emissions ng bansa ng 70 porsiyento pagsapit ng 2030.

2 MAGUINDANAO MASSACRE: MAGING HANDA SA MAHABANG PAGHIHINTAY SA KATARUNGAN

ANIM na taon na ang nakalipas matapos ang Maguindanao Massacre noong 2009 nang 58 katao, na 32 rito ay mamamahayag, ang pinatay sa Ampatuan, Maguindanao, habang patungo sa tanggapan ng Commission on Elections sa bayan ng Shariff Aguak para maghain ng certificate of candidacy. Ang ikaanim na anibersaryo ng maramihang pagpatay ay ginunita nitong Lunes, Nobyembre 23, at marami ang naghihimutok sa napakabagal na usad ng gulong ng hustisya.

ISINILANG ANG ASEAN COMMUNITY

MATAGAL na nating tinatamasa ang pagiging isang bansa na naipaglaban sa kalayaan laban sa pananakop ng Espanya noong Hunyo 12, 1896. Simula sa Disyembre 31, 2015, dapat na rin nating ituring ang ating bansa bilang bahagi ng isang pinag-isang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Community.

ANG ATING MGA INAASAM AT INAASAHAN SA MGA PAGDINIG SA THE HAGUE

NAGSASAGAWA ng mga pagdinig ngayong linggo ang Arbitral Tribunal sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations sa The Hague, Netherlands, sa kaso ng Pilipinas na naggigiit sa mga karapatan nito sa South China Sea. Una nang nagpasya ang tribunal na may karapatan itong dinggin ang kaso sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

KONGRESO, AAPRUBAHAN ANG BBL, NGUNIT HINDI ANG TAX REFORM BILL?

MAAARI itong depensahan bilang sistema ng partido, ngunit ang napaulat na kinakailangang tumalima ng pinakamatataas na opisyal ng Kongreso ng Pilipinas sa kahilingan ng mga tagapayo ng pangulo sa usapin ng pagbabago sa halaga ng buwis ay hindi maganda para sa isang gobyerno na may tatlong dapat ay kapantay at malayang departamento.

COA, NAKASUBAYBAY SA PONDO NG DAP PARA MATIYAK NA NAIPATUTUPAD ANG DESISYON NG SC

LABING-ANIM na buwan na ang lumipas simula nang tukuyin ng Korte Suprema na labag sa batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng gobyerno, ngunit nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang mga epekto ng nasabing desisyon.

BINIGYAN NG BAGONG PAGKAKATAON ANG MGA NAGPAPABUKAS-BUKAS PARA MAKABOTO SA 2016

NANG simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang kampanya nito upang maitala ang biometric data ng bawat botante—sa layuning malinis ang listahan ng mga makikibahagi sa eleksiyon—pinuntirya ng Comelec ang siyam na milyong botante na wala ang kinakailangang litrato, fingerprints, at lagda. Nang magtapos ang kampanya noong nakaraang buwan, sinabi ng Comelec na ang mga botanteng walang biometrics ay bumaba sa dalawang milyon na lang.