Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 111)

LIGAW NA BALA: ISANG PAALALA SA MGA MAY BARIL, PARTIKULAR SA MGA PULIS

DALAWANG araw makalipas ang huling unang araw ng Bagong Taon, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na isang tao ang napatay at 30 iba pa ang nasugatan sa ligaw na bala na pinaputok noong bisperas ng Bagong Taon. Makalipas ang dalawang araw, umakyat ang bilang ng mga biktima sa 61 matapos na magdatingan ang mga ulat mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang nag-iisang nasawi ay isang batang babae mula sa Cordilleras. Karamihan sa mga nasugatan ay mula sa Metro Manila—18, kasunod ng Calabarzon na may pito, anim sa Western Visayas, at lima sa Cordilleras.

ISANG TASK FORCE NA TUTUTOK SA MGA SULIRANIN NG MGA OFW

ANG kaso ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Singapore at tumakas mula sa bahay ng kanyang amo makalipas ang mahigit dalawang taong halos hindi pagpapakain at hindi pagpapasuweldo sa kanya ay nagbunsod upang manawagan si Sen. Miriam Defensor Santiago sa pagtatatag ng isang task force na tututok sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga OFW na gaya nito.

KAWALAN NG KASIYAHAN, NAKAPAGBUBUNSOD NG MALING DESISYON SA BUHAY, NGUNIT ‘DI NAKAMAMATAY

BAGAMAT batid nang ang hindi magandang lagay ng kalusugan ay isa sa mga dahilan ng kalungkutan, at ang hindi maayos na pamumuhay ay nagbubunsod ng pagiging iritable, ang pagiging miserable ay hindi naman nakamamatay.

NAGPAPATULOY ANG PAGSISIKAP NG PAPA SA REPORMA SA KANYANG MENSAHENG PAMASKO SA CURIA

NOONG 2013, sa kanyang unang talumpati para sa Pasko sa harap ng mga pinuno ng mga tanggapan ng Vatican na bumubuo sa Curia sa Rome, tinukoy ni Pope Francis ang mga katangiang dapat nilang taglay, at binanggit na huwaran si San Jose, dahil sa tahimik nitong propesyunalismo at diwa ng mapagpakumbabang serbisyo.

PINATUNAYAN NG HULING POLL SURVEY ANG KAWALAN NG KASIGURUHAN SA MAGIGING RESULTA NG ELEKSIYON

BAGAMAT nasa kalagitnaan tayo ng Christmas season, patuloy na nakapupukaw ng ating interes at pansin ang eleksiyon.

‘OPLAN IWAS PAPUTOK’ PARA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

MULING inilunsad ang Oplan Iwas Paputok, isang multi-sectoral na kampanya kontra paputok para sa ligtas na pagdiriwang sa Bisperas ng Bagong Taon—at pinaiigting pa ito—bawat taon ng Department of Health (DoH) at Philippine National Police (PNP) upang bigyang-babala ang publiko laban sa panganib na may kaugnayan sa mga paputok at pyrotechnics.

ARAW NG PASKO

IPINAGDIRIWANG ngayon ng mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo ang Kadakilaan ng Pagsilang ng ating Panginoong Hesus—ang Araw ng Pasko. Iprinoklama ng ebanghelistang si Juan sa kanyang aklat kung sino ang “Word” na naging tao at nakasama natin.

ISANG PINAGPALANG PASKO SA LAHAT, SA ARAW NA ITO NG KALIGAYAHAN AT KAPAYAPAAN

ISANG PINAGPALANG PASKO SA LAHAT, SA ARAW NA ITO NG KALIGAYAHAN AT KAPAYAPAAN

MAYROONG isang limang kuwento ng isang araw noong 1914, panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, nang magpasya ang mga magkakalabang tropa, habang magkakaharap sa Western Front—ang mga Aleman sa isang panig at ang mga Pranses at mga Briton sa kabila—na ibaba ang kanilang mga armas dahil Pasko naman.

MALING PAGGAMIT SA ROAD USERS TAX, NABUNYAG SA AUDIT REPORT

IPINAGPAPATULOY ng Commission on Audit, na ang mga report sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nagbigay-daan sa pagkakadeklara ng Korte Suprema sa mga nasabing programa bilang labag sa batas, ang tungkulin nito sa pagsusuri sa bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan at pagtuklas ng iba’t ibang iregularidad sa mga ito.

PIA WURTZBACH, PANALO SA GANDA, TALINO, AT PUSO

WALANG nanalo sa isang pandaigdigang kompetisyon na hindi napag-isa ang kanyang bansa. Nitong Lunes, mayroon tayong ganito—si Pia Alonzo Wurtzbach ng Cagayan de Oro City na kinoronahang Miss Universe 2015—at napanalunan niya ito sa isang napakadramatikong paraan.