Home » Archives by category » Opinyon » Editoryal (Page 103)

SA YUGTONG ITO, POSIBLENG MAKATUPAD ANG GOBYERNO SA ANIM NA BUWANG DEADLINE NITO

PINANGALANAN ni Pangulong Duterte ang tatlong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at dalawang retiradong pulis sa pagpapatuloy ng kampanya ng kanyang gobyerno laban sa ilegal na droga sa bansa nitong Martes. Ito ang huling kabanata sa drug scene—mistulang pangkaraniwan nang eksena sa bansa sa ngayon ang mga pag-aresto, pagsuko, at pagpatay sa mga sangkot sa ilegal na droga.

PAGKATAPOS NG PARIS, BRUSSELS, ISTANBUL, DHAKA, BAGHDAD

SA nakalipas na mga taon ay nakatuon ang mga pag-atake ng mga jihadist sa mga bansang Kanluranin—sa United States at sa Western Europe. Nagsagawa ang Islamic State ng mga pag-atake sa Paris, France, noong Nobyembre ng nakaraang taon, na ikinamatay ng nasa 130 katao. Noong Marso, naglunsad din ng karahasan ang grupo sa Brussels, Belgium, at 30 ang nasawi. Dahil dito, nanawagan pa ang kandidato sa pagkapangulo ng Amerika na si Donald Trump, ng Republican Party, na ipagbawal ang pagpasok sa United States ng lahat ng Muslim refugees.

MAKATUTULONG NANG MALAKI SI ROBREDO SA PROGRAMA NI DUTERTE PARA SA MAHIHIRAP

TIYAK na masasayang ang talento at determinasyon ni Vice President Leni Robredo kung hindi siya itatalaga sa anumang posisyon sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Maaari siyang tumulong upang mapag-ibayo ang mga pagsisikap ni Pangulong Duterte na agarang magpatupad ng mga kinakailangang pagbabago upang mapaginhawa ang buhay ng mamamayan, sinabi kamakailan ni Sen. Panfilo Lacson.

MATAGAL NA DAPAT NAIPATUPAD ANG PAGLILINIS SA MANILA BAY

SA loob ng maraming taon, pinangunahan ni Senator Cynthia Villar ang kampanya para sa paglilinis ng Manila Bay, partikular na ang lugar ng Las Piñas-Parañaque, na daan-daan ang nagboluntaryo upang mangolekta ng basura at iba pang solidong itinapon.

UNITED STATES INDEPENDENCE DAY

MULING magiging enggrande ang pagdiriwang ng United States sa Fourth of July. Ginugunita ng Independence Day ng Amerika ang araw nang nakamit nito ang soberanya mula sa British Empire matapos ang Revolutionary War noong Hulyo 4, 1776.

MGA URBAN GONDOLA PARA SA METRO MANILA

TOTOONG panahon na upang mag-isip ng mga kakaibang ideya upang maresolba ang ilan sa pinakamatitinding problema sa ating bansa na hindi nasolusyunan kahit ng pinakamahuhusay na pagsisikap ng mga nakalipas na administrasyon. Ang ideya ng pagkakaroon ng mga cable car sa Pasig City at linya sa pagitan ng Makati City at Sta. Rosa, Laguna, ay isa sa mga posibilidad laban sa trapiko, ayon sa katatalagang si Secretary of Transportation Arthur Tugade.

DAPAT NA AGARANG TULDUKAN NG COMELEC ANG KONTROBERSIYA SA PAMUNUAN NITO

NAIDAOS ang paghahalal ng susunod na pangulo ng bansa, at pinuri ang Commission on Elections (Comelec) sa mahusay nitong trabaho, ngunit napapagitna ngayon ang komisyon sa kontrobersiya sa mismong pamunuan nito na maaaring makaapekto sa paghahanda para sa susunod na halalan—ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

PANGULONG DUTERTE: ISANG MENSAHE PARA SA LAHAT

Para sa mga karaniwang mamamayan na matagal nang nasasaksihan ang mga problemang nakapeperhuwisyo sa bansa—ang kurapsiyon, kriminalidad, ilegal na droga, pagsuway sa batas at kaayusan—sinabi niyang kailangan matigil ang lahat ng ito, sa anumang paraang pinahihintulutan ng batas.

PARATING NA ANG PAGBABAGO AT DAPAT NA MAGING BAHAGI TAYO NG PAGBABAGONG ITO

SA araw na ito, Hunyo 30, anim na taon na ang nakalipas, dumating sa Malacanang ang bagong halal na presidente na si Benigno Simeon Aquino III, at sinalubong siya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Mula sa Malacanang, magkasamang nagtungo ang dalawa sa Independence Grandstand sa Rizal Park. Umalis si Pangulong Arroyo sakay sa sarili niyang sasakyan habang dumiretso naman si Pangulong Aquino sa entablado upang manumpa sa tungkulin bilang ika-15 Pangulo ng bansa.

TAPOS NA ANG PAGDURUSA NI MARITES FLOR

TAPOS na ang mga pagdurusa ng Pilipinang bihag na si Marites Flor. Siyam na buwan makaraan siyang dukutin mula sa isang resort sa Samal island sa Davao Gulf kasama ang mga Canadian na sina Robert Hall at John Ridsdel at ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad noong Setyembre 2015, pinalaya siya nitong Biyernes sa pamamagitan nina President-elect Duterte, Sulu Gov. Sakur Tan, at Secretary Jesus Dureza, ang incoming presidential adviser on the peace process.