Home » Archives by category » Opinyon » CARITAS
Nagbabadyang pananakop sa Marawi

Nagbabadyang pananakop sa Marawi

MGA Kapanalig, noong nakaraang linggo, limang buwan mula nang ideklara ni Pangulong Duterte na “malaya” na sa kamay ng mga terorista ang Marawi, binalikan ng mga residente ang puso ng lungsod kung saan naganap ang pinakamatinding bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng mga kasapi ng Maute group

Bakit Mo ako pinabayaan?

Bakit Mo ako pinabayaan?

KAPANALIG, nitong nagdaang Biyernes Santo, isa sa mga katagang ating naalala sa araw na iyon ay ang “Ama, bakit Mo ako pinabayaan?”

Giyera kontra droga, giyera kontra mahihirap

MGA Kapanalig, sa pagbasura ng Department of Justice (DoJ) sa mga kaso laban sa mga umano’y big time druglords, tumibay ang paniniwala ng marami na ang kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte ay may kinikilingan at may pinoprotektahan. Para sa iba, hindi na kagulat-gulat ang ginawang ito ng DoJ. Paraan umano ito ng paggantimpala sa mga taong pilit na iniugnay ang senadorang kritiko ng Pangulo hanggang sa ito nga’y makulong. Paraan din daw ito ng pagbabalik ng pabor sa mga kaibigan, kumpare, at campaign contributor ng Pangulo kahit pa ang mga ito’y tinawag niyang drug lord at minsang pinagbantaang papatayin.

Makabayang Tatay Digong?

MGA Kapanalig, matatandaang sa isang debate sa hanay ng mga tatakbo noon sa pagkapangulo, umani ng palakpakan si Digong Duterte dahil sinabi niyang handa raw niyang isakripisyo ang kanyang buhay para sa bayan. Sasakay daw siya ng jetski at magtitirik ng watawat ng Pilipinas sa Scarborough Shoal kung hindi kikilalanin ng China ang pasya ng Permanent Court of Arbitration na nagsasabing walang batayan ang nine-dash line na ginagamit ng China upang angkinin ang mga islang nakapaloob sa ating teritoryo.

Basura at ang panlipunang responsibilidad ng bawat mamimili

KAPANALIG, ang basura ay isa sa mga pinakamalaking problema ng maraming mga siyudad ngayon sa ating bansa. Ang problema ng basura ay mas lalo pang pinalala ng mabilis na urbanisasyon, pagtaas ng populasyon, at industriyalisasyon.

Kailangan ang malayang pamamahayag

MGA Kapanalig, malaking balita noong nakaraang linggo ang hindi pagpapapasok sa Malacañang sa isang reporter ng Rappler na naka-assign doon. Ayon sa Presidential Security Group, utos raw iyon ng “nakatataas.” Hindi ito itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, at sinabi pa niyang “nabubuwisit” daw si Pangulong Duterte sa reporter, na isa sa mga nagbunyag tungkol sa umano’y pang-iimpluwensiya ng kanyang special assistant sa pagbili ng combat management system para sa mga barkong pandigma ng bansa. Fake news daw ang isinusulat ng nasabing mamamahayag, dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo.

Walang Iwanan?

KAPANALIG, ayon sa datos ng World Bank, mahigit pa sa 50% ng pandaigdigang populasyon ang nakatira sa mga urban areas. Habang nagsisiksikan tayo sa mga siyudad, mayroon ba tayong naiipit o nakakaligtaang mga kababayan? Mayroon ba tayong naiitsapwera?

Konsumerismo at Kuwaresma

MGA Kapanalig, sa pinakahuling report ng Global Witness, isang international organization na nagsisiyasat ng mga kaso ng pang-aabuso sa kalikasan at paglabag sa karapatang pantao, pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng mga deadliest o pinakamapanganib na bansa para sa mga “green activists” o tagapagtanggol ng kalikasan.

Maging bukás palad sa panahon ng kalamidad

MGA Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, patuloy na nag-aalboroto ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. Mahigit 80,000 katao na ang lumikas mula sa 9-kilometer extended danger zone, at nagsisiksikan sila ngayon sa mga evacuation centers. Nabalot na ng makapal na abo ang maraming bahay at taniman sa mga pamayanang nakapalibot sa bulkan. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, maaaring tumagal pa nang hanggang isang buwan ang paglalabas ng bulkan ng mapaminsalang lava. Patuloy ang ating pagdarasal na nawa’y humupa na ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Pamasko para kanino?

MGA Kapanalig, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law noong nakaraang linggo. Ito raw ang Pamasko ng kanyang administrasyon sa mga Pilipino, lalo na sa mga sumasahod ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon, dahil exempted na rin sila sa pagbabayad ng income tax o ang buwis na ipinapataw sa suweldo. Gaya ng inaasahan, may mga natuwa, ngunit may mga nagtatanong din: tunay nga bang pamasko ang TRAIN? Pamasko nga ba ito para kanino?

Page 1 of 212