Home » Archives by category » Opinyon » BULONG AT SIGAW (Page 2)
Cheap talk, pang Emmy award lang

Cheap talk, pang Emmy award lang

NANALO sana ng Emmy award ang pre-recorded speech ni Pangulong Duterte sa 75th session ng United Nations General Assembly (UNGA) na ginanap sa headquarters nito sa New York nitong Martes (Miyerkoles sa Maynila), ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto. Kasi, aniya, maganda ang pagkakasulat nito at kapuri-puri. Pero, sa nilalaman ng talumpati ng Pangulo, nakatanggap ito ng magkahalong reaksyon. May bahagi itong, pinupuri, pero ang iba, binatikos. Ang common denominator: taliwas sa katotohanan.

Pinoproteksiyunan ni Martires si Du30

Pinoproteksiyunan ni Martires si Du30

Pinahintona ni Ombudsman Samuel Martires ang lifestyle checks sa mga empleyado ng gobyerno. Ang code of conduct, aniya, para sa mga opisyal ng pamahalaan ay pinanagot sila sa hindi malinaw at walang lohikang pamantayan.

Ang gentlemen’s agreement sa Speakership

Ang gentlemen’s agreement sa Speakership

NAKATAKDANG magpalit ng liderato ang Kamara nitong darating na Nobyembre kung masusunod o susundin ang term-sharing agreement sa pagitan ni Speaker Alan Cayetano at Cong. Lord Velasco ng Marinduque. Kaya kasalukuyang Speaker si Cayetano dahil, ayon sa kasunduan, siya muna ang manunungkulan sa loob ng 15 buwan mula HUlyo 2019 hanggang sa katapusan ng Oktubre 2020.

Pollution lang ang dolomite

Pollution lang ang dolomite

NAKAKUHA kamakailan ng mga patay na isda na tinatayang 10 kilo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa tubig ng Manila Bay sa lugar malapit sa Baseco, Maynila. Nangyari ito sa gitna ng kontrobersiya hinggil sa ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pagpapapaputi ng baybayin ng Manila Bay sa pamamagitan ng pagtatambak ng dinurog na dolomite malapit sa Baywalk, sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Igalang ang imahe at pananalig ng tao

Igalang ang imahe at pananalig ng tao

NITONG nakaraang Lunes, ang imahe ng Black Nazarene ay inilabas sa simbahan ng Quiapo at ipinarada ng mga 300 devotees pagkatapos ng misa na ginanap alas 12:15 ng tanghali. Ang prusisyon ay ginanap sa pamamagitan ng motorcade.

Isyu ang kakayahan mamuno ni Du30

Isyu ang kakayahan mamuno ni Du30

MULA’T sapul, ang isang metrong physical distancing ay pinairal ng Inter-Agency Task Force Against Infectious disease (IATF), sa layunin ng gobyernong maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. Ito ang distansiyang inerekomenda ng World Health Organization. Kapag magkakadikit ang mga tao malamang magkahawaan ng sakit. Pero, nitong nakaraang Biyernes, inanunsiyo ng Department of Transportation (DoTr) ang pagluluwag ng nasabing tuntunin.

Ang paghina ng gobyerno ay paglakas ng CPP-NPA

Ang paghina ng gobyerno ay paglakas ng CPP-NPA

“BANTAYAN ninyo ang inyong mga anak sa kanilang mga ginagawa, anong mga organisasyon ang kanilang sinasamahan. Ang pangangalap ng New People’s Army (NPA) ng kanilang mga kasapi ay nagsisimula sa mga kolehiyo at unibersidad. Nagiging aktibista sila sa simula para sa ikabubuti ng lahat. Pagkatapos gagawin silang radikal hanggang sa maging NPA terrorist,” babala ni 7th Infantry Division-Public Affairs Chief, Maj. Amado Guiterrez ng Philippine Army sa mga magulang.

Hindi dapat maghabla si DILG Sec. Año

Hindi dapat maghabla si DILG Sec. Año

Nagpostang residente ng Cebu sa kanyang social media na hindi ikinatuwa ni DILGSec. Eduardo Ano. Bagkus, tinawag niya itong fake news. Ang fake news na tinutukoy niya ay iyong inilathala ni Gabriel Marvin Cabier sa kanyang facebook page na nakasulat sa Visayan na pinamagatang “One Ride One Shot.”

May pera pala si Du30

May pera pala si Du30

NAGING larangan ngayon ng labanan sa pagitan ng administrasyon at ng mga grupong nagsusulong ng kapakanan ng bayan ang ilang kilometro ng baybayin ng Manila Bay. Sukat ba namang nais palabasin ng administrasyon sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources, na sinusuportahan ni Manila Mayor Isko Moreno, na white sand ang baybayin sa pagtatambak dito ng mga dinurog na dolomite na kinuha sa Cebu ng wala itong pahintulot at labag sa batas.

Nanawagan sa pagbibitiw ni Du30

Nanawagan sa pagbibitiw ni Du30

ISA lang akong ordinaryong pare na humihiling sa iyo Mr. President na mabuhay ka ng mapayapa at maligaya para sa iyong kapakanan at ng buong bansa. Please mag-resign na kayo ngayon. Habang ang Pilipinas ay wala pa sa ilalim ng Chinese Community Party at habang tayo ay demokrasya pa, tungkuling kong ipaalam sa inyo bilang Pangulo na aming binabayarang public servant,” wika ni Fr. Pete Montallana, coordinator ng Indigenous People’s Apostolate of the Diocese at convenor ng Stop Kaliwa Dam Network, sa kanyang bukas na liham kay Pangulong Duterte na lumabas nitong Septyembre 2 na sa isang pambansan pahayan.