Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 693)

Bihag na Chinese-Malaysian, pinugutan ng Abu Sayyaf

Pinugutan ng dalawang leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nagkakampo sa Indanan, Sulu, nitong Martes ang bihag nilang Chinese-Malaysian na si Bernard Ghen Ted Fen sa Barangay Bud Taran sa Indanan, makaraang mabigo ang pamilya ng bihag na maibigay ang hinihinging ransom para sa pagpapalaya sa dayuhan.

Asawa ng kapitan, nirapido

Ikinasa ng Talavera Police ang follow-up at manhunt operations laban sa bumaril at nakapatay sa isang 56-anyos na asawa ng barangay chairman ng Bagong Sicat sa bayang ito, kamakailan.

Ginang, patay sa riding-in-tandem

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang isang 48-anyos na babaeng negosyante habang nasa gasolinahan ito sa General Trias, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Initsapuwera sa birthday ng anak, nagbigti

Natapuang nakabigti at wala nang buhay ang isang 19-anyos na lalaki na nagpakamatay makaraang mabigong makadalo sa kaarawan ng kanyang anak sa Barangay Gabi, Cordova, Cebu, iniulat ng pulisya kahapon.

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril

Patay ang isang 56-anyos na lalaki habang sugatan naman ang dalawang ginang na tinamaan ng ligaw na bala matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang nasawi sa Rosario, Batangas.

Mister, todas sa lover ni misis

Triyanggulo ng pag-ibig ang lumitaw na motibo sa pagpaslang sa isang 55-anyos na lalaki, na pinagbabaril ng umano’y kalaguyo ng kanyang misis, sa Barangay Iba, San Jose, Tarlac.

Ipinahiya ng utol sa inuman, pumatay

Pagsisisi ang nadarama ng isang 25-anyos na lalaki matapos niyang mapatay sa saksak ang nakakatanda niyang kapatid sa gitna ng pag-iinuman sa Balaoan, La Union, inihayag ng pulisya kahapon.

Nawaglit na gadgets ng US reporter, isinauli ng vendor, bus dispatcher

Dalawang residente sa bayang ito ang nagsauli ng mga gadget ng isang Amerikanong mamamahayag ng pahayagang USA Today, na nawaglit ng dayuhan nitong Lunes habang patungo sa tanggapan ng alkalde ng siyudad para sa isang panayam.

Pamilya minasaker sa North Cotabato: 4 patay, 3 malubha

Apat na miyembro ng isang pamilya ang napatay habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa North Cotabato nitong Lunes ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon.

23-anyos, pinatay ng kinakasama

Malalim na saksak sa puso ang ikinamatay ng isang 23-anyos na dalaga sa kamay ng kanyang live-in partner sa compound ng Reymar Ricemill sa Sitio Punot, Barangay San Roque, sa lungsod na ito.