Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 676)

Pulis, kalaboso sa pagpapaputok ng baril

Isang operatiba ng Leyte Police Provincial Office at kasama niyang lalaki ang nakapiit ngayon sa himpilan ng Tacloban City Police District Office dahil sa pagpapaputok ng baril.

14-oras na brownout sa Eastern Visayas

Inaasahang makararanas ngayong Sabado ng 14 na oras na power outage sa Eastern Visayas, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Office sa Quezon City.

Chinese na wanted sa Palawan, huli sa Isabela

Naaresto ng pulisya kahapon ang isang Chinese na pinaghahanap sa Palawan dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga at sa loob ng isang taon ay nagtago sa Isabela.

Nahuling bumabatak, nagbaril sa bibig

Nagbaril sa bibig ang isang mister na umano’y nahuli ng kanyang misis habang gumagamit ng ilegal na droga sa Lipa City, Batangas.

Advocacy group, nanawagan sa DILG vs prostitusyon

Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento na pakilusin ang pulisya laban sa umano’y malalaswang palabas, prostitusyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lungsod na ito.

Pagbubukas ng 4th largest mall sa Asia, nagbunsod ng matinding traffic

Matinding trapiko ang sumalubong sa mga motoristang patungong South Road Properties (SRP) kahapon ng umaga matapos na libu-libong Cebuano ang dumagsa sa lugar para sa pagbubukas ng SM Seaside City mall, ang ikaapat na pinakamalaking mall sa Asia.

Birthday girl, 3 kaibigan, nalunod sa swimming party

Isang 18-anyos na estudyante ng psychology na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang swimming party ang nasawi kasama ang tatlo pa niyang kaibigan matapos silang tangayin ng malakas na agos ng ilog sa bayang ito noong Martes, iniulat ng pulisya kahapon.

500 batang apektado ng labanan, may maagang Pamasko

Nakatanggap ng maagang Pamasko mula sa isang sa pribadong samahan ang mahigit 500 bata na naapektuhan ng digmaan sa bayan ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan.

Ilagan City at Divilacan, pag-uugnayin

Sisimulan sa unang linggo ng Disyembre ang konstruksiyon sa kalsada patungong coastal town na mag-uugnay sa Ilagan City sa Divilacan, Isabela.

Mahabang pila sa Caticlan port, asahan

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga turistang nais magbakasyon sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan na asahan na ang mahabang pila habang papalapit ang long holiday.