Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 663)

Number coding sa Baguio City, sinuspinde

Inaasahan ng Summer Capital of the Philippines ang dagsa ng mga turista sa lungsod sa mga susunod na araw dahil bukod sa dalawang malalaking event na idaraos dito at wala ring pasok sa trabaho at eskuwela ang mga taga-Metro Manila dahil sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

Kandidato sa pagka-vice mayor, sugatan sa pamamaril

Nasugatan ng isang hindi pa nakikilalang suspek ang isang kandidato sa pagka-bise alkalde at dating konsehal ng Isabela City, Basilan sa isang tangkang pagpatay nitong Linggo ng madaling araw.

Cagayan de Oro City, 2 ang mayor

Nananatili sa puwesto ang sinibak na si City Mayor Oscar Moreno matapos siyang makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals (CA) dakong 4:59 ng hapon nitong Biyernes, halos 24 na oras ang nakalipas matapos pormal na panumpain sa tungkulin sina City Vice Mayor Caesar Ian Acenas at Councilor Candy Darimbang bilang bagong alkalde at bise alkalde ng Cagayan de Oro City.

2 pulis, 4 pa, kinasuhan sa pagpatay sa hepe ng Marawi Police

Anim na katao, kabilang ang dalawang pulis, ang sinampahan ng kaso kaugnay ng pagpatay sa hepe ng Marawi City Police sa isang pananambang nitong Oktubre 17, 2015.

Anak ni Rep. Fariñas, patay sa aksidente

Namatay sa aksidente ang bunsong anak ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas matapos bumangga sa concrete barrier ang motorsiklong minamaneho nito sa Bacarra, Ilocos Norte, kahapon ng madaling araw.

2 dalagita, inabuso sa sementeryo

Pinaniniwalaang dahil sa impluwensiya ng malalaswang babasahin at video kaya inabuso ng dalawang binatilyo ang dalawang babaeng kapwa 13-anyos sa loob ng Sunset Cemetery sa Barangay Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Dating Nueva Ecija mayor, kinasuhan ng malversation

Nasa balag na alanganin ngayon ang isang dating alkalde ng bayang ito makaraang sampahan ng kasong malversation of public funds matapos mabigong i-liquidate ang cash advances para sa kanyang opisina noong 2006.

Pagsunog sa Lumad school cottage, inako ng NPA

Ang New People’ Army (NPA) ang sumunog sa cottage sa isang eskuwelahan ng mga Lumad sa Barangay Padiay sa Sibagat town, Agusan del Sur nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng isang dating pinuno ng kilusan na inilabas kahapon ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army.

Hangganan ng Ilocos Sur at La Union, napagkasunduan na

Nagwakas na ang isang-siglo nang usapin sa pagitan ng Ilocos Sur at La Union matapos magkasundo ang dalawang lalawigan sa kanilang hangganan.

Retiradong pulis, pinatay sa palengke

Isang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 57-anyos na retiradong sarhento ng pulisya matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa canteen ng Lupao public market sa Barangay Poblacion North sa bayang ito, nitong Biyernes ng madaling-araw.