Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 638)

60-anyos, nakipagduwelo sa utol; todas

Isang 60-anyos na lalaki ang pinatay ng kanyang kapatid makaraan silang magduwelo sa Barangay Marcos sa Rosario, La Union, iniulat ng pulisya kahapon.

2 rapist ng menor, tiklo

Inaresto ng awtoridad sa Isabela at Quirino ang dalawang suspek sa panghahalay sa parehong menor de edad na biktima sa nabanggit na mga lalawigan.

Magsasaka, pinatay sa saksak

Dalawang malalalim na saksak sa dibdib ang ikinamatay ng isang magsasaka na natagpuang walang buhay sa bukirin sa Sitio Baldo, Barangay Estipona, Pura, Tarlac, at pinaniniwalaang may malaking galit sa biktima ang hindi pa nakikilalang suspek.

Pahinante patay, 15 sugatan sa karambola

Patay ang isang pahinante ng truck habang 15 katao ang nasugatan, kabilang ang driver nito, makaraang sumalpok ang sasakyan sa isang pampasaherong jeep at sa isang bus sa Nasugbu, Batangas, kahapon ng umaga.

3 sa Basag Kotse, arestado

Tiklo ang tatlo sa pitong miyembro ng kilabot na Basag Kotse gang, na itinuturong responsable sa serye ng pagnanakaw sa mga parking lot ng iba’t ibang negosyo, ang naaresto ng pulisya sa Barangay Dupay, iniulat kahapon ni Lucena City Police chief, Supt. Joel de Mesa

18 naospital sa panis na spaghetti

Labinwalong katao, kabilang ang isang bata, ang nalason matapos kumain ng panis na spaghetti sa Barangay Conel, General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Bus, nagliyab sa highway; 49 nasaktan sa stampede

Dalawang pasahero ng Partas Passenger Bus ang napaulat na nasugatan, bukod pa sa 47 nasaktan matapos magkaroon ng stampede sa biglaang pagliliyab ng sasakyan sa highway ng Barangay San Sebastian sa Tarlac City.

Trike, inararo ng van: 3 patay, 7 malubha

Patay ang tatlong katao habang malubha naman ang pitong iba pa makaraang banggain ng isang pampasaherong van ang isang tricycle sa General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Pumatay sa asawa, biyenan, nagtangkang maglason

Arestado ang isang lalaking umano’y pumatay ng kanyang asawa at biyenang babae sa operasyon ng mga pulis-Bulacan sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila nitong Enero 31, iniulat kahapon.
Sa report ni Bulacan Police Provincial Office director, Senior Supt. Ferdinand Divina, kinilala ang suspek na si Rommel C. Layug, alyas “Alvin”, nasa hustong edad, may asawa, walang trabaho, ng Malolos City.

Proteksiyon sa dalampasigan, iginiit

Isusulong ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang MPAs (Marine Protected Areas) sa buong kapuluan upang maprotektahan ang coastal areas ng Pilipinas.