Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 637)

Mahigit 100 sinkhole sa Cebu, nasa monitoring

Maigting ang isinasagawang monitoring ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mahigit 100 sinkhole sa paligid ng Cebu.

Pagdakip kay Indal, matinding dagok sa BIFF

“Ang pagdakip kay Hassan Indal, alyas Abu Hazam, na isa sa mga pangunahing leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ay isang matinding dagok sa organisasyon.”

Babae, pinatay sa tubuhan

Patay ang isang babaeng caretaker ng tubuhan makaraang pagbabarilin ng umano’y dating karelasyon nito sa Barangay Coliat, Ibaan, Batangas.

Suspek sa rape, nasukol sa hideout

Nakuha sa matiyagang pagtugis ng Talavera Police ang isang lalaking suspek sa panggagahasa sa Barangay San Pascual, Talavera, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng hapon.

Misis, pinalakol ni mister, kritikal

Patawirin ngayon sa Jecsons Medical Center ang isang 41-anyos na misis matapos palakulin sa leeg ng nagselos nitong mister sa Barangay Cut-Cut 2nd, Tarlac City.

Mga panabong ni ‘Peping’, ninakaw

Malaking halaga ng mga manok na panabong ang tinangay ng mga hindi nakilalang kawatan sa CAT Game Farm sa Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac.

Lalaki, patay sa hinating vintage bomb

Namatay ang isang lalaki at nasugatan ang kanyang kasama matapos sumabog ang isang vintage bomb na kanilang hinati sa pag-aakalang may laman itong ginto, sa Sitio Kamanggahan, Barangay Upper Pakigne, Minglanilla, Cebu, nitong Miyerkules ng gabi.

Ex-Sulu mayor, bodyguard, absuwelto sa homicide

Inabsuwelto ng Sandiganbayan First Division si dating Mayor Munib Estino, ng Panglima Estino, Sulu, at kanyang bodyguard, sa kasong homicide sa pagkapaslang sa isang lalaki sa munisipyo noong 2010.

Ama, 2 anak, pinatay sa dagat

Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang lalaki at dalawa nitong anak sa baybayin ng Barangay Kulisap, Payao, Zamboanga Sibugay, iniulat ng pulisya kahapon.

Special permit sa biyaheng Baguio, binuksan ng LTFRB

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa special permit sa mga pampasaherong sasakyan na nais bumiyahe sa Baguio City, kaugnay ng sa selebrasyon ng Panagbenga Festival sa huling linggo ng Pebrero.