Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 634)

Barangay chairman, patay sa pamamaril

Siyam na tama ng bala ng baril ang ikinamatay ng isang 42-anyos na barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem, nitong Pebrero 6 ng tanghali, sa Barangay San Carlos sa bayang ito.

30 ektarya sa Basilan,apektado ng bush fire

Nasa 30 ektarya ng kagubatan sa Barangay Balansing sa siyudad na ito ang kasalukuyang nasusunog dahil sa matinding tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.

60-anyos, nakipagduwelo sa utol; todas

Isang 60-anyos na lalaki ang pinatay ng kanyang kapatid makaraan silang magduwelo sa Barangay Marcos sa Rosario, La Union, iniulat ng pulisya kahapon.

2 rapist ng menor, tiklo

Inaresto ng awtoridad sa Isabela at Quirino ang dalawang suspek sa panghahalay sa parehong menor de edad na biktima sa nabanggit na mga lalawigan.

Magsasaka, pinatay sa saksak

Dalawang malalalim na saksak sa dibdib ang ikinamatay ng isang magsasaka na natagpuang walang buhay sa bukirin sa Sitio Baldo, Barangay Estipona, Pura, Tarlac, at pinaniniwalaang may malaking galit sa biktima ang hindi pa nakikilalang suspek.

Pahinante patay, 15 sugatan sa karambola

Patay ang isang pahinante ng truck habang 15 katao ang nasugatan, kabilang ang driver nito, makaraang sumalpok ang sasakyan sa isang pampasaherong jeep at sa isang bus sa Nasugbu, Batangas, kahapon ng umaga.

3 sa Basag Kotse, arestado

Tiklo ang tatlo sa pitong miyembro ng kilabot na Basag Kotse gang, na itinuturong responsable sa serye ng pagnanakaw sa mga parking lot ng iba’t ibang negosyo, ang naaresto ng pulisya sa Barangay Dupay, iniulat kahapon ni Lucena City Police chief, Supt. Joel de Mesa

18 naospital sa panis na spaghetti

Labinwalong katao, kabilang ang isang bata, ang nalason matapos kumain ng panis na spaghetti sa Barangay Conel, General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Bus, nagliyab sa highway; 49 nasaktan sa stampede

Dalawang pasahero ng Partas Passenger Bus ang napaulat na nasugatan, bukod pa sa 47 nasaktan matapos magkaroon ng stampede sa biglaang pagliliyab ng sasakyan sa highway ng Barangay San Sebastian sa Tarlac City.

Trike, inararo ng van: 3 patay, 7 malubha

Patay ang tatlong katao habang malubha naman ang pitong iba pa makaraang banggain ng isang pampasaherong van ang isang tricycle sa General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.