Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 603)

Agnas, nakagapos na bangkay ng bata, natagpuan

Halos naaagnas na ang bangkay ng isang 10 taong gulang na lalaki nang matagpuan nitong Martes sa isang abandonadong apartment sa Sto. Tomas, Batangas.

2 shipping firm sa Central Visayas, may bawas-pasahe

Hinimok ng Maritime Industry Authority (Marina)-Region 7 ang mga shipping company sa Central Visayas na tapyasan ang singil sa pasahe at kargamento sa harap ng patuloy na pagbulusok ng presyo ng petrolyo.

Cagayan: 6 na pulis patay, 16 sugatan sa NPA ambush

Kinilala na ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang anim na pulis na nasawi at 16 na nasugatan sa isang engkuwentro sa New People’s Army (NPA) sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan, nitong Martes.

4 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Apat na katao, kabilang ang isang municipal treasurer, ang napatay matapos masabugan ng bomba sa Sitio Lining, Barangay Salvo, Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao, nitong Martes ng gabi.

Baril, droga, nasabat sa checkpoint

Hindi nakalusot sa mga pulis na nagmamantine sa Commission on Elections (Comelec) checkpoint ang isang 29-anyos na lalaki at nakumpiskahan siya ng ilegal na baril at drug paraphernalia sa Barangay Natividad sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Misis na ‘punching bag’ ni mister, nagreklamo

Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang misis na paulit-ulit na sinakal at binugbog ng kanyang asawa sa Barangay Poblacion West, Santa Ignacia, Tarlac.

Fetus, iniwan sa pastulan

Tinatayang nasa pitong buwan na fetus ang natagpuan sa isang bakanteng lote, ng isang nagpapastol ng baka, sa Batangas City.

2 pumuga sa Bulacan, natiklo sa Maynila

Balik-selda na ang dalawang pumuga nitong Pebrero 10 sa himpilan ng San Rafael Police, matapos maaresto ang dalawa sa Maynila.

Ex-barangay chairman, nirapido ng riding-in-tandem

Isang dating barangay chairman, na pinaniniwalaang matagal nang minamanmanan ng hinihinalang riding-in-tandem criminals, ang pinagbabaril habang minamaneho ang isang tricycle sa Tanco Street sa Barangay Capehan, Tarlac City.

3 honest na sekyu ng mall, pinarangalan sa Gapo

Pinarangalan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino nitong Lunes ang tatlong security guard ng SM City Olongapo dahil sa pagsasauli ng mga ito ng mahahalagang gamit na naiwan ng mga customer ng nabanggit na mall.