Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 584)

Siargao tourists, nagising sa lindol

Isang lindol na may lakas na 3.4 magnitude ang yumanig sa Siargao Island kahapon ng madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Farm caretaker, tinodas habang tulog

Isang farm caretaker ang pinagbabaril at napatay ng isang hindi nakilalang lalaki habang natutulog sa kubo sa Sitio Plaza Café sa Barangay Capuluan Central sa bayang ito.

Puerto Princesa, idedeklarang ‘City of the Living God’

Naghain ng panukala si Palawan Rep. Douglas Hagedorn para opisyal na ideklara ang Puerto Princesa City bilang “City of the Living God” at itakda ang Marso 30 ng bawat taon bilang isang non-working holiday kaugnay ng nasabing deklarasyon.

Video footage ng pamumugot sa Sarangani, peke—Army

Pinabulaanan ng militar ang katotohanan ng isang video footage na kumalat sa social media at nagpapakita sa pamumugot sa isang lalaki ng isang tagasuporta ng Islamic State, sa Sarangani.

Aksidente sa company outing: 3 patay, 20 sugatan

Nauwi sa trahedya ang company at family outing na idaraos sana sa Aliwagwag Falls sa pagtatapos ng bakasyon para sa Semana Santa nang maaksidente ang sinasakyan nilang Elf truck habang binabaybay ang Mati City-Cateel national highway sa Caraga, Davao Oriental nitong Biyernes.

First Mass Day, pista opisyal sa S. Leyte

Pinagtibay ng Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Marso 31 ng bawat taon bilang non-working holiday o pista opisyal sa Southern Leyte, bilang paggunita sa kauna-unahang misa sa bansa na idinaos sa probinsiya may 495 taon na ang nakalilipas.

5 Kabataan, nalunod sa Batangas

Limang magkakamag-anak ang nalunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Sinisian, Calaca, Batangas, nitong Huwebes ng gabi.

Army officer, tiklo sa buy-bust

Arestado ang isang tauhan ng Philippine Army na nakabase sa Isabela dahil sa pagbebenta ng shabu sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes.

14-anyos, ni-rape ng BF

Isang dalagita ang ikinulong ng kanyang nobyo sa isang silid at paulit-ulit na hinalay sa Block 65, Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac.

2 patay, 8 magkakaanak, kritikal sa taga

Dalawa ang namatay habang walong magkakaanak ang malubhang nasugatan matapos mag-amok ang isang lalaki sa loob ng bahay ng mga biktimang nagmagandang-loob na magpatuloy sa kanya sa Barangay Licomo, Zamboanga City, iniulat kahapon.