Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 568)

Sundalo, nawala sa diving exercise sa Samal

Isang sundalo ang napaulat na nawawala matapos sumailalim sa proficiency diving exercise sa isang resort sa Davao Del Norte nitong Sabado. Hindi muna pinangalanan ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sundalo dahil hindi pa naipababatid sa pamilya nito ang insidente.

Dalaga, dinukot, hinoldap, pinilahan sa pot session

Naghain ng reklamo ang isang 27-anyos na babae sa Zamboanga City Police Office na umano’y halinhinang hinalay ng limang lalaki sa loob ng isang bahay na pinagdausan ng pot session sa Seafront Subdivision sa Barangay Baliwasan sa lungsod na ito.

Leader ng gun-for-hire, naaresto sa campaign sortie

Nabulabog ang pangangampanya ng alkalde sa bayang ito matapos matunugan na may dalawang kahina-hinalang lalaking sakay sa motorsiklo ang nakasunod sa opisyal sa Barangay Bensican sa San Nicolas.

2 patay sa salpukan ng motorsiklo

Nagmistulang nagsabong na manok sa ere ang dalawang motorsiklo makaraang mag-head-on collision ang mga ito noong Huwebes ng gabi, na ikinamatay ng dalawang driver, sa Barangay Road na sakop ng Barangay Malaya sa bayang ito.

4 na rumesponde sa Kalibo airport fire, sugatan

Apat na bombero ang nasugatan matapos na aksidenteng madisgrasya ang sinasakyang fire truck sa pagresponde sa sumabog na gulong ng eroplano ng Seaair, nitong Huwebes ng hapon.

Kandidato, todas sa riding-in-tandem

Isang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 46-anyos na dating barangay chairman at kandidato ngayon sa pagka-konsehal makaraang pagbababarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay San Pascual, nitong Huwebes ng gabi.

100 pamilya, nasunugan sa Cavite

Nasa 100 pamilya ang apektado ng isa at kalahating oras na sunog na pinaniniwalaang sanhi ng pumalyang kabit ng kuryente at tumupok sa may 60 bahay sa gilid ng kalsada malapit sa Technological Institute of the Philippines (TIP) Maritime Center sa Barangay San Rafael III sa bayang ito.

10-anyos, nagbigti sa puno

Natagpuang nakabigti sa ilalim ng isang puno ang bangkay ng isang 10-anyos na lalaki sa Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan.

2 barangay chairman, niratrat; 1 patay

Isang araw matapos mapatay ang bise alkalde sa bayang ito, dalawa namang barangay chairman ang pinaulanan ng bala na ikinasawi ng isa sa kanila nitong Huwebes.

Suspensiyon ng Cebu City officials, pagkatapos na ng eleksiyon—Comelec

Pagkatapos na ng eleksiyon sa Mayo 9 ipatutupad ang suspensiyon kay Cebu City Mayor Michael Rama at sa 13 miyembro ng City Council, batay sa napagdesisyunan ng Commission on Elections (Comelec).