Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 547)

Replica ng Murillo Map, ipinagkaloob sa NOLCOM

Tinanggap kahapon ni NOLCOM Chief Lt. General Romeo T. Tanalgo ang framed replica ng 1734 Murillo Map na tumutukoy sa Panacot Island o Scarborough Shoal bilang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Mister, pinagtataga si misis bago naglaslas ng pulso

Isang ginang ang namatay makaraang pagtatagain ng kanyang mister na nagtangka ring magpakamatay matapos isagawa ang krimen sa General Santos City, South Cotabato, iniulat kahapon.

Terminal 2 ng Cebu airport,matatapos sa Hunyo 2018

Tinatayang makukumpleto sa Hunyo 2018 ang konstruksiyon ng bagong passenger terminal building, o Terminal 2, sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), ayon sa pamunuan ng pliparan.

23 hepe ng pulisya, apektado sa balasahan

Umabot sa 23 hepe ng pulisya sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang naapektuhan sa malawakang balasahan lalawigan.

GenSan: 1,500 guro, tinanggap para sa Grade 11

Tumanggap ang Department of Education (DepEd)-Region 12 ng 1,500 guro na itatalaga para sa mga estudyante sa Grade 11 sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa rehiyon.

Carnapper, nakorner

Arestado ang isang kilabot na carnapper makaraang makorner ng mga tauhan ng Guimba Police sa pinagtataguan nito sa Barangay Maturanoc sa bayang ito.

Air Force sergeant, todas sa riding-in-tandem

Isang sarhento ng Philippine Air Force (PAF) ang binaril at napatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay siya sa kanyang kotse kasama ang kanyang misis sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Barangay Don San Jose, nitong Sabado ng umaga

2 patay, 4 sugatan sa karambola

Natigmak ng sariwang dugo ang pangunahing lansangan sa Barangay Anupul sa Bamban, matapos magrambola ang tatlong behikulo na ikinamatay ng dalawang katao at grabeng ikinasugat ng apat na iba pa.

Pulis patay, 2 pa sugatan sa Masbate ambush

Nasawi ang isang pulis habang dalawang kasamahan niya ang nasugatan matapos silang tambangan ng hindi mabilang na armado, na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), sa Barangay Gangao, Baleno, Masbate, madaling araw nitong Sabado.

11,300 trabaho, iaalok sa Independence Day job fairs

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DoLE)-Region 3 Director Anna Dione na nasa 11,300 lokal at overseas job ang iaalok sa serye ng 2016 Independence Day Job Fairs sa Central Luzon.