Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 538)

Sodium cyanide, nasabat

Umabot sa P3.4 milyon halaga ng imported na kemikal na ginagamit sa pagmimina ng ginto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Mindanao Container Terminal (MCT) sub port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

8-oras na brownout sa NE

Walong oras na mawawalan ng kuryente ang ilang consumer ng Nueva Ecija Electric Cooperative II, Area 2, at Nueva Ecija Electric Cooperative I ngayong Biyernes.

Jeep nabangga ng truck, 1 patay

Isang ginang ang namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang mabangga ng isang 10-wheeler truck ang isang pampasaherong jeep sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, iniulat kahapon.

Kulang ang bayad, sinaksak

Sinaksak ng isang tindero ang isang lalaki na kulang ang ibinayad sa sigarilyo, sa parking area ng isang supermarket sa Block 6, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Japanese, nahulihan ng shabu

Isang 38–anyos na Japanese ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Office of Transportation Security (OTS) at Philippine National Police (PNP) matapos mahulihan ng shabu sa Mactan-Cebu International Airport kamakalawa.

Hinarang ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga residente na patungo sa isang kasalan sa Sitio Upper Bayugan, Barangay Kitubo sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon, at dinukot ang tatlong lumad dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Kuryente sa Mindanao, nasa ‘red alert’

Inilagay ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang buong isla ng Mindanao sa “red alert” noong Miyerkules kasabay ng paghahayag ng 40 megawatts na kukulangan sa kuryente at diumano’y tumaas na banta ng pambobomba sa mga linya ng kuryente.

Ex-Sarangani governor, kulong sa maanomalyang bigas

Hinatulang makulong ng hanggang 18 taon sina dating Sarangani governor Miguel Escobar at provincial agriculturist Romeo Miole dahil sa maanomalyang pamamahagi ng bigas.

4 sugatan sa salpukan ng motorsiklo, trike

Natigmak ng sariwang dugo ang Concepcion-La Paz Road sa Barangay Sto. Rosario sa bayang ito makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle, na ikinasugat ng apat na katao.

3 carnapping suspect, patay sa sagupaan

Tatlong umano’y kilabot na carnapper na tumangay sa isang tricycle sa Barangay San Roque, Tarlac City, ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa mga pulis sa Sitio Pag-asa, Barangay Tibag, ng nasabing lunsod.