Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 512)

Ex-Sarangani governor, kulong sa maanomalyang bigas

Hinatulang makulong ng hanggang 18 taon sina dating Sarangani governor Miguel Escobar at provincial agriculturist Romeo Miole dahil sa maanomalyang pamamahagi ng bigas.

4 sugatan sa salpukan ng motorsiklo, trike

Natigmak ng sariwang dugo ang Concepcion-La Paz Road sa Barangay Sto. Rosario sa bayang ito makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle, na ikinasugat ng apat na katao.

3 carnapping suspect, patay sa sagupaan

Tatlong umano’y kilabot na carnapper na tumangay sa isang tricycle sa Barangay San Roque, Tarlac City, ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa mga pulis sa Sitio Pag-asa, Barangay Tibag, ng nasabing lunsod.

Shabu na itinago sa isda, nabuking ng BJMP

Pormal nang kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang isang 31-anyos na tricycle driver na nahuli sa pagpupuslit ng mga isda, na napapalooban ng shabu, sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Aklan.

5 pulis, nakaligtas sa NPA ambush

Limang operatiba ng Gubat Police Station ang masuwerteng nakatakas sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes ng hapon.

Baler mayor, nang-boldyak ng 4 na pulis

Bukod sa kasong graft na kinakaharap ng alkalde ng bayang ito, kasama ang walong iba pa, sa Office of the Ombudsman, iniimbestigahan ngayon ang punong bayan at isang konsehal dahil sa pamamahiya sa apat na pulis na rumesponde sa isang komosyon sa Barangay Buhangin nitong Linggo. Ayon sa report ng Aurora Police Provincial Office, sinabihan ni Mayor Nelianto Bihasa at ni Councilor Meinardo Tropicales sina PO3 Bernie Dela Rosa, PO2 Jeffrey Bolante, PO2 Ismael Domingo, at PO3 Dennis Gutierrez ng, “Umalis na kayo rito, mga pulis patola! Tanga-tanga kayo at mga bobo kayo!”

Mister tinaga ni misis sa ulo, kritikal

Malubha ang lagay ng isang lalaki matapos siyang tagain sa ulo ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Tuba, Benguet, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad, Benguet.

Rotational brownout sa Davao City, tatagal pa

Magpapatuloy pa sa mga susunod na araw ang dalawa at kalahating oras na rotational brownout sa lungsod na ito, habang kinukumpleto pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkukumpuni sa tower nito na matinding napinsala sa pambobomba.

Ginawang sex slave ang 6-anyos na anak, arestado

Inaresto kahapon ng pulisya ang isang ama makaraan itong ireklamo sa 10 beses umanong panghahalay sa kanyang anim na taong gulang na anak na babae sa Maddela, Quirino.

TMC, maghihigpit vs overspeeding

Nagbabala si Tollways Management Corporation (TMC) Specialist Francisco Dagohoy sa mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na sundin ang itinakdang speed limit dahil maghihigpit na sila sa paghuli sa mga nag-o-overspeeding.