Home » Archives by category » Balita » Probinsya (Page 426)

5 pulis, nakaligtas sa NPA ambush

Limang operatiba ng Gubat Police Station ang masuwerteng nakatakas sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes ng hapon.

Baler mayor, nang-boldyak ng 4 na pulis

Bukod sa kasong graft na kinakaharap ng alkalde ng bayang ito, kasama ang walong iba pa, sa Office of the Ombudsman, iniimbestigahan ngayon ang punong bayan at isang konsehal dahil sa pamamahiya sa apat na pulis na rumesponde sa isang komosyon sa Barangay Buhangin nitong Linggo. Ayon sa report ng Aurora Police Provincial Office, sinabihan ni Mayor Nelianto Bihasa at ni Councilor Meinardo Tropicales sina PO3 Bernie Dela Rosa, PO2 Jeffrey Bolante, PO2 Ismael Domingo, at PO3 Dennis Gutierrez ng, “Umalis na kayo rito, mga pulis patola! Tanga-tanga kayo at mga bobo kayo!”

Mister tinaga ni misis sa ulo, kritikal

Malubha ang lagay ng isang lalaki matapos siyang tagain sa ulo ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Tuba, Benguet, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad, Benguet.

Rotational brownout sa Davao City, tatagal pa

Magpapatuloy pa sa mga susunod na araw ang dalawa at kalahating oras na rotational brownout sa lungsod na ito, habang kinukumpleto pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkukumpuni sa tower nito na matinding napinsala sa pambobomba.

Ginawang sex slave ang 6-anyos na anak, arestado

Inaresto kahapon ng pulisya ang isang ama makaraan itong ireklamo sa 10 beses umanong panghahalay sa kanyang anim na taong gulang na anak na babae sa Maddela, Quirino.

TMC, maghihigpit vs overspeeding

Nagbabala si Tollways Management Corporation (TMC) Specialist Francisco Dagohoy sa mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na sundin ang itinakdang speed limit dahil maghihigpit na sila sa paghuli sa mga nag-o-overspeeding.

2 illegal logger, tiklo sa Bantay Kalikasan

Kumilos na naman ang matitinik na illegal logger sa bayang ito, ngunit dalawang tao ang naaresto ng mga tauhan ng San Jose Police at ng task force ng Bantay Kalikasan.

Welder, pinatay sa sementeryo

Agad na namatay ang isang 56-anyos na welder makaraan siyang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin habang abala siya sa pagsasaayos ng puntod sa sementeryo, nitong Oktubre 30.

Mag-amang ‘tulak’, napatay sa drug operation

Isang mag-ama ang namatay sa drug operation makaraang manlaban ang mga ito sa mga tauhan ng T’boli Municipal Police at Regional Police Safety Battalion (RPSB) sa T’boli, South Cotabato.

Palawan, may 3-buwang fishing ban sa galunggong

Simula sa Nobyembre 15 ay ipatutupad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong-buwang ban sa panghuhuli o paghahango ng galunggong sa hilaga-silangang Palawan.