Home » Archives by category » Balita (Page 3226)

Trapik sa EDSA Pasay sisikip dahil sa road re-blocking

Simula ngayong araw, Oktubre 21, magsasagawa ang Manila Water Services, Inc. (Maynilad) ng road re-blocking and restoration work sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) cor. C. Jose St., sa Malibay, Pasay City matapos ang pagkumpuni sa tagas sa 150mm-diameter na tubo.

13 NCRPO operatives, pinarangalan

Labintatlong operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sinabitan ng “Medalya ng Kagalingan” ni Department of Interior and Local Government Secretary Mel. S. Sarmiento noong Lunes para sa kanilang matagumpay na anti-drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang Chinese at pagkakumpiska sa 10 kilo ng shabu noong Oktubre 15.

Cambodian, nanghawa ng HIV

Isang hindi lisensyadong doktor ang nanghawa ng HIV sa mahigit 100 residente sa isang pamayanan sa hilagang kanluran ng Cambodia, sa pag-uulit ng ginagamit na karayom, ang nilitis noong Martes sa tatlong kaso kabilang na ang murder.

Pilipinas, lumagda sa pandaigdigang pagbura sa parusang kamatayan

“The Philippines joins this noble international endeavor that aims to foster an open and constructive dialogue between abolitionist and rejectionist countries,” sinabi ng DFA sa isang pahayag.

Osmeña, Lacson, itsa-puwera na sa LP senatorial slate—source

Isinara na ng Liberal Party (LP) ang pintuan nito sa re-electionist na si Senator Serge Osmeña at kay dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, habang tumanggi naman ang actress-TV host at kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino na mapabilang sa mga senatoriable ng administrasyon si Manila City Vice Mayor Isko Moreno.

Abala ng APEC meet, paghandaan—Malacañang

Umapela ang Malacañang sa publiko na paghandaan ang abala na inaasahang idudulot ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Nobyembre.

Mabuhay Lanes, bubuksan sa QC

Magdadagdag ng mga alternatibong ruta na “Mabuhay Lanes” ang lokal na pamahalaan ng Quezon City upang maibsan ang araw-araw na matinding traffic sa lungsod at sa mga karatig-lugar.

German minister, dumepensa vs plagiarism

Pinabulaanan ng defense minister ng Germany na si Ursula von der Leyen ang alegasyon na kinopya niya ang ilang bahagi ng kanyang doctoral thesis.

Nagkanlong kay Wang Bo, magiging BI chief?

Isang malawakang balasahan ang sinasabing namumuo sa inaasahang pagtatalaga ng bagong Bureau of Immigration (BI) chief kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ni Justice Secretary Leila de Lima, na pinaniniwalaang kakandidatong senador para sa Liberal Party (LP) ng administrasyon.

Pope Francis, dumating na sa Philadelphia

Masuyong hinalikan ni Pope Francis ang isang batang lalaki na may cerebral palsy matapos lumapag ang kanyang sinakyang eroplano sa Philadelphia noong Sabado ng umaga.