Home » Archives by category » Balita (Page 3171)

German minister, dumepensa vs plagiarism

Pinabulaanan ng defense minister ng Germany na si Ursula von der Leyen ang alegasyon na kinopya niya ang ilang bahagi ng kanyang doctoral thesis.

Nagkanlong kay Wang Bo, magiging BI chief?

Isang malawakang balasahan ang sinasabing namumuo sa inaasahang pagtatalaga ng bagong Bureau of Immigration (BI) chief kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ni Justice Secretary Leila de Lima, na pinaniniwalaang kakandidatong senador para sa Liberal Party (LP) ng administrasyon.

Pope Francis, dumating na sa Philadelphia

Masuyong hinalikan ni Pope Francis ang isang batang lalaki na may cerebral palsy matapos lumapag ang kanyang sinakyang eroplano sa Philadelphia noong Sabado ng umaga.

Biyaheng Night Express ng Ilocos Norte, pinalawig

Pinalawig ng pamahalaang panglalawigan ng Ilocos Norte ang serbisyo ng Night Express ng mga jeepney at bus sa probinsiya.

Madreng Pinoy, pinarangalan ng Germany

Isang Pinay na madre mula sa Mindanao ang kabilang sa mga ginawaran ng Award for Human Rights ng Weimar City sa Germany, si Sr. Stella Matutina, na pinuri sa kanyang pagsusulong sa karapatang pantao at pangangalaga sa kalikasan.

Tacloban: Bawas-pasahe sa trike, inaprubahan

Inaprubahan ng Tacloban City Council noong nakaraang linggo ang P7 pasahe sa tricycle o motor-cab-for- hire sa siyudad.

Panghuhuli sa motorista, kinuwestiyon

Ilang motorista ang naghihimutok sa madalas at wala umano sa katwirang panghuhuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at ng Land Transportation Office (LTO).

‘Di pagbibigay ng award sa SAF 44, ipinaliwanag

Nagpaliwanag kahapon ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa hindi pagkakabilang sa 44 na operatiba ng Special Action Force (SAF) sa mga ginawaran ng parangal sa ika-144 na Police Service Anniversary kahapon.

Retired colonel, nilooban; P500,000 pera at alahas, natangay

Isang retiradong colonel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nawalan ng mahigit P500,000 halaga ng pera at alahas matapos looban ang kanyang bahay sa Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Sen. Honasan, TESDA chief, 7 pa, kinasuhan sa PDAF scam

Matapos ang matagal na pagkakabimbin, kinasuhan na kahapon sa Office of the Ombudsman ang ikatlong batch ng mga mambabatas na isinasangkot sa multi-bilyon pisong pork barrel fund scam.