Home » Archives by category » Balita (Page 3064)

APEC Summit: Matinding traffic, asahan

Pinaalalahanan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos ang publiko, partikular ang mga motorista, tungkol sa inaasahang matinding trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila sa mga araw ng aktibidad ng APEC Summit meeting sa bansa sa Nobyembre 17-20.

MRT ng Singapore

Nobyembre 7, 1987 nang magsimula ang operasyon ng Mass Rapid Transit (MRT) system sa Singapore, na noong una ay may anim na kilometrong biyahe mula sa Yio Chu Kang patungong Toa Payoh at may limang istasyon.

Kontrabando sa NBP, DoJ ang bahala—Malacañang

Ipinauubaya ng Palasyo sa Department of Justice (DoJ) ang imbestigasyon sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Free legal assistance ng OWWA sa ‘tanim bala’ victim

Nag-alok ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong para sa overseas Filipino worker na si Gloria Ortinez na nahulihan ng bala sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nang patungo sana siya sa Hong Kong noong Oktubre 25.

‘Tanim bala’, may mobile game app na

‘Tanim bala’, may mobile game app na

Sa gitna ng lumalaking kontrobersiya ng “tanim bala” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isang Pinoy game developer ang lumikha ng isang mobile game application na hango sa nasabing airport scam.

Robbery suspect na kapipiyansa lang, pinatay

Isang 33-anyos na lalaki, na kapipiyansa lang dahil sa kasong robbery, ang napatay ng hindi pa kilalang suspek sa Malabon noong Huwebes ng gabi.

Retiradong pulis, arestado sa pagtutulak ng shabu

Dinampot ng mga tauhan ng District Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang retiradong pulis, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Bagong Pagasa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Chile: Pablo Neruda, posibleng pinatay

Inamin ng gobyerno ng Chile na ang Nobel-prize winning poet na si Pablo Neruda ay maaaring pinatay matapos ang kudeta noong 1973 na nagluklok kay Gen. Augusto Pinochet sa kapangyarihan.

Paalala ng LTFRB: Kumuha ng online verifiable CPC

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng pinagkalooban ng Certificate of Public Convenience (CPC) na kumuha ng tamper proof online verifiable CPC, na iniisyu alinsunod sa Memorandum Circular No. 2014-006.

PWD, na-gang rape sa Valenzuela

Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang dalawa sa apat na lalaki na umano’y nagsalitan sa panghahalay sa isang dalagitang may kapansanan, sa follow-up operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.