Home » Archives by category » Balita (Page 3062)

Lalaki, sinaksak dahil sa ulam

Namatay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang live-in partner nang magtalo sila dahil lamang sa ulam, nitong Lunes ng hapon sa Caloocan City.

Malacañang sa publiko: Sorry sa matinding traffic

Humingi ng paumanhin ang Malacañang sa publiko sa perhuwisyong idinulot ng matinding traffic bunsod ng pagsasara ng ilang kalsada sa mga motorista bilang bahagi ng seguridad para sa dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa ilang bahagi ng Metro Manila.

PNP, bubuo ng bagong anti-illegal drugs group

Isang bagong grupo na susupil sa ipinagbabawal na gamot ang bubuuin ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagbuwag sa Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOFT) ng pulisya.

Sen. Grace Poe, lusot sa disqualification case sa SET

Hindi nahadlangan ng matinding trapikong dulot ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) Leaders’ Summit ang Senate Electoral Tribunal (SET) upang maglabas ng desisyon sa disqualification case na inihain laban kay Senator Grace Poe hinggil sa isyu ng kanyang citizenship.

23-anyos, pinatay ng kinakasama

Malalim na saksak sa puso ang ikinamatay ng isang 23-anyos na dalaga sa kamay ng kanyang live-in partner sa compound ng Reymar Ricemill sa Sitio Punot, Barangay San Roque, sa lungsod na ito.

China, ‘real victim’

Nagpakita ang China ng “great restraint” sa South China Sea sa hindi pagkubkob sa mga islang okupado ng ibang bansa kahit na kaya niya itong gawin, sinabi ng isang mataas na Chinese diplomat noong Martes.

Serye ng brownout sa Ilocos Norte

Nagtakda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng serye ng pagkawala ng kuryente sa Ilocos Norte sa Nobyembre 17, 18, at 19, upang bigyang-daan ang taunang preventive maintenance ng mga transmission line at transformers nito sa lalawigan.

Pinakamalalang El Niño

Ang “El Niño” phenomenon, nagbunsod ng matitinding klima sa mundo, ay ang pinakamalala sa loob ng mahigit 15 taon, sinabi ng UN weather agency noong Lunes, nagbabala na nagdudulot na ito ng matitinding tagtuyot at baha.

Paaralan, ninakawan ng 4 na menor

Apat na menor de edad ang nanloob sa Culatingan Elementary School sa bayang ito at tinangay ang P7,650 cash mula sa paaralan.

Nang-angkin ng gulayan, pinatay ng pinsan

Naging madugo ang pagtatalo ng isang magpinsang-buo makaraang mapatay sa saksak ang isang 28-anyos na binata dahil sa alitan sa lupa sa Purok 4, Barangay Bibiclat sa bayang ito.