Home » Archives by category » Balita (Page 3060)

Portable windmill ng Pinoy inventor, kinilala

Tumanggap ng Princess Maha Chakri Award mula kay Thailand Princess Maha Chakri Sirindhorn ang imbensyon ni William Moraca, guro ng Datal Salvan Elementary School sa San Jose, General Santos City, na portable windmill na nagbibigay ng potable water at kuryente sa mga komunidad ng mga katutubong Blaan at T’boli sa Datal Salvan at Klolang.

PNoy, kumpiyansa sa survey rating ni Mar

Kahit patuloy ang paninira sa manok ni Pangulong Aquino na si Mar Roxas, kumpiyansa ang una na tuloy ang pagtaas ng rating ng Liberal Party standard bearer sa mga survey.

13 OFW namatay sa Saudi, iuuwi na

Naghihintay ang mga kaanak ng 13 overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa isang aksidente sa Saudi Arabia ng impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa repatriation at imbestigasyon sa insidente.

Shabu den operator, pulis, arestado ng PDEA

Isang pinaghihinalaang drug den ang sinalakay na nagresulta sa pagkakaaresto sa operator nito at anim na iba pang tulak, kabilang ang isang dating pulis, sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tacloban City, Leyte, kamakalawa.

Ginastos sa APEC summit, iuulat ng PNP

Handa ang Philippine National Police (PNP) na iharap ang report sa ginastos nito sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa bansa.

Duterte, inulan ng batikos sa kanyang pagtakbo

Kinuyog ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang pagkambiyo hinggil sa 2016 presidential elections.

Online remittance sa PhilHealth, hinikayat

Inihayag ng PhilHealth na maaari nang magbayad ang mga employer ng premium ng kanilang manggagawa at empleyado gamit ang electronic premium remittance system.

Kalamidad na dulot ng panahon, dumadalas

Isang bagong ulat ang nagsasabi na 90 porsyento ng mga kalamidad sa nakalipas na 20 taon ay idinulot ng mga baha, bagyo, heatwave at iba pang kaganapan na may kinalaman sa panahon — at padalas nang padalas ang mga ito.

85-anyos, nahagip ng truck; patay

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 85-anyos na biyuda makaraan siyang mabundol ng isang Isuzu Elf Dropside sa Daang Maharlika, sakop ng Barangay Bacal I sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Dalagitang estudyante, pinatay sa saksak

Dead on arrival sa pagamutan ang isang high school student matapos umanong pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa Sto. Tomas, Batangas.