Home » Archives by category » Balita (Page 3059)

New York City Subway

Pinangunahan ni noon ay New York City Mayor George McClellan ang inagurasyon. Nasa 150,000 katao ang nagbayad ng nickel bawat isa para makasakay sa subway, na ang orihinal na ruta ay mula sa City Hall, hanggang sa 145th Street at Broadway.

Nueva Ecija: Presyo ng gulay at isda, dumoble

Isang linggo matapos manalasa ang bagyong ‘Lando’, umaaray ngayon ang mga Novo Ecijano sa pagdoble ng presyo ng gulay at isda sa iba’t ibang pamilihang bayan sa Nueva Ecija.

DoLE: May 40 pang job fair ngayong 2015

Hinimok ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga employer sa bansa na ipagpatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho, dahil may mahigit 40 job fair na idaraos sa bansa hanggang sa Disyembre ng taong ito.

Dalagitang nagdemanda ng rape vs tiyuhin, pinatay

Isang 15-anyos na babae, na nagharap ng kasong panggagahasa laban sa kanyang tiyuhin, ang tinadtad ng saksak hanggang sa mamatay bago itinapon ang bangkay sa gilid ng kalsada sa Barangay Macalong sa bayang ito.

Conjugal visit sa Bilibid, sinuspinde

Sinuspinde ng Bureau of Corrections (BuCor) ang conjugal visit ng mga misis ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kasunod ng insidente ng pamamaril at pagkakadiskubre ng mga armas sa nasabing pasilidad.

Paglusot ng Balikbayan Box Law, tiniyak

Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maipapasa ang Balikbayan Box Law (BBL) na magtataas sa P150,000 sa tax-exempt value sa laman ng mga pasalubong cargo na ipinadadala ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Pacquiao, 30 araw lang mangangampanya

Pagkakasyahin na lang ng senatorial bet na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa 30 araw ang pangangampanya niya sa bansa kung muli siyang sasabak sa ring bago ang eleksiyon sa Mayo 9, 2016.

Solons, biglang dedma sa INC issue

Kung dati ay agad na magpapahayag ng suporta o idedepensa ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga usaping kinahaharap ng maimpluwensiyang sekta, maraming kongresista ngayon ang tumatangging magkomento kaugnay ng seryosong akusasyon ng krimen na ibinabato sa ilang leader ng INC ng isang dating ministro nito.

Oplan Ligtas Undas, ikinasa na

Handa na ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang Oplan Ligtas Undas sa lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa bansa para sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

DoH: Haze, delikado sa kalusugan

Sinabi ni Anthony Lucero, climatologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na kabilang sa mga maaaring maapektuhan ng haze ay ang Metro Manila, makaraang umabot na ito sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.