Home » Archives by category » Balita (Page 3058)

2 gusali sa Manila Zoo, nasunog

Nasunog ang dalawang gusali sa loob ng Manila Zoo sa Malate, Manila nitong Martes ng gabi bunsod ng depektibong electrical stove.

Vanuatu, nagpatawag ng snap election

Nilusaw ni Vanuatu President Baldwin Lonsdale ang parliament at nagpatawag ng snap election matapos yanigin ng corruption scandal ang gobyerno sa pagkakakulong ng 14 na mambabatas noong nakaraang buwan dahil sa panunuhol, iniulat ng local media noong Miyerkules.

Tunisia, nagdeklara ng state of emergency

Nagdeklara si Tunisia President Beji Caid Essebsi ng nationwide state of emergency at curfew sa kabisera matapos ang bomb attack sa bus ng presidential guard na ikinamatay ng 12 katao.

Lalaki, kritikal sa taga ng pinsan

Hindi sukat akalain ng mga kaanak ng isang magpinsan na magtatagaan ang mga ito, dahil nagsalo pa sa almusal ang biktima at suspek bago nangyari ang krimen nitong Lunes ng tanghali sa Purok Sampaguita, Barangay Tina, Tacurong City.

7 tulak ng droga, huli sa raid

Pitong katao, kabilang ang isang babae, na pawang hinihinalang drug pusher ang dinakip sa anti-drug operation ng Provincial Anti-Illegal Special Operations Task Group (PAIDSOTG) sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Indian, patay sa riding-in-tandem

Namatay ang isang Indian matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa may Cope Subdivision sa Concepcion, Tarlac.

Mag-ina, pinatay ng nakasalubong

Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang ina at apat na taong gulang niyang anak ng hindi kilalang lalaki na nakasalubong nila habang patungo sila sa tindahan sa Barangay Bungiao, Zamboanga City, ini-report ng pulisya kahapon.

Mt. Kanlaon, nagbuga ng abo

Nagbuga ng abo ang Mt. Kanlaon sa Negros Oriental nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

AFP, dapat palakasin vs Chinese aggression—Gatchalian

Hiniling ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa gobyernong Aquino na palakasin ang pakikipagkalakalan sa mga kaalyadong bansa upang makalikom ng sapat na pondo sa pagbili ng kagamitan ng militar sa gitna ng panghihimasok ng China sa teritoryo nito.

Gumahasa, pumatay sa 11-anyos, tiklo

Isang 11-anyos na babaeng Grade 4 pupil ang brutal na pinatay matapos halayin ng isang 21-anyos na mangingisda sa bayan ng Balud sa Masbate.