Home » Archives by category » Balita (Page 3005)

Election officer, patay sa ambush

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kaugnay ng pagpatay sa isang election officer na binaril ng hindi nakilalang suspek sa isang gasolinahan sa Molo, Iloilo City, kahapon ng umaga.

Tolentino, inendorso ni Duterte

Halos natitiyak na ang mga boto ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, na kandidato sa pagkasenador, sa siyudad na ito matapos siyang personal na iendorso ni Mayor Rodrigo Duterte sa 182 opisyal ng barangay sa lungsod, nitong Sabado ng gabi, sa Almendras Gym.

Malinis na tubig, pabahay, mas importante kaysa Great Wall

Hinimok ni Mayor Alfred Romualdez, kasama ang mga pinsan niyang sina vice presidential candidate Senator Ferdinand Marcos, Jr. at senatorial candidate Leyte Rep. Martin Romualdez, ang gobyerno na higit na tutukan ang pagtugon sa mga agarang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’, kabilang ang pagkakaloob ng malinis at sapat na supply ng tubig at permanenteng tirahan kaysa isulong ang tinatawag na “The Great Wall” ng Tacloban o ang pinaplanong P48-bilyon seawall.

Ilang barangay official, ‘di nakikiisa sa MMDA clearing ops

Kinastigo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kawalan ng kooperasyon ng ilang opisyal ng barangay sa clearing operation ng ahensiya laban sa mga traffic obstruction sa mga alternatibong ruta na tinaguriang “Mabuhay Lane.”

Lola, sinilaban ang sarili sa ikaapat na suicide try

Pinaniniwalaang hindi magawang matanggap ng isang 67-anyos na babae ang pagkamatay ng kanyang anak, kaya sa ikaapat na pagtatangka sa sariling buhay ay sinilaban niya ang sarili sa Peñablanca, Cagayan, iniulat ng pulisya kahapon.

Malacañang: Detalye ng ‘Yolanda’ rehab, malayang mabubusisi

Nanawagan kahapon ang Malacañang sa mga kritiko nito na mainam na bisitahin na lang ang Official Gazette na www.gov.ph sa halip na batikusin ang gobyerno sa usapin ng rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ dalawang taon na ang nakalilipas.

Emperor Hirohito

Nobyembre 10, 1928 nang hirangin si Hirohito (1901-1989) bilang ika-124 na hari ng Japan sa Kyoto, at maglilingkod bilang ang emperador na pinakamatagal na namuno sa kasaysayan ng bansa. Ginawaran siya ng titulong “Showa” (“Enlightened Peace”). Ang ina ni Hirohito ay asawa ng pinalitan niya.

OFW na mawawalan ng trabaho sa ‘tanim bala’, aayudahan ng DoLE

Ang mga overseas Filipino worker (OFW), na mawawalan ng trabaho matapos maging biktima umano ng “tanim bala” scam sa mga paliparan, ay tutulungan ng gobyerno na muling makahanap ng mapapasukan, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Panuntunan sa raliyista vs APEC Summit, inilatag ng PNP

Habang naghahanda ang mga militante at iba pang grupo para sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Summit, nag-isyu ang mga awtoridad ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng mga pagtitipon at rally sa mga pampublikong lugar, sa mahalagang pulong na gagawin sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Negatibong resulta sa DNA ni Poe, wa’ epek sa Pinoy

Inihayag ng isang political analyst na ang negatibong resulta sa DNA test kay Senator Grace Poe-Llamanzares ay walang magiging epekto sa kandidatura nito sa pagkapangulo, dahil ang pagkuwestiyon sa citizenship ng senadora ay itinuturing ng mga Pilipino na isa lang black propaganda ng mga kalaban nito sa pulitika upang madiskuwalipika ito.