Home » Archives by category » Balita (Page 2959)

Tagle sa kandidato: Misyon, hindi ambisyon

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga botante na laging ipaalala sa mga kakandidato sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016 na tutukan ang paglilingkod sa bayan at hindi ang pansariling interes o ambisyon.

CBCP official, lumagda sa online petition vs airport GM

Bunsod ng pagsabog ng kontrobersiya sa “tanim bala” extortion scheme, lumagda ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa isang petisyon na ipinaskil sa global online reform website Change.org na nananawagan sa pagsibak kay Jose Angel Honrado bilang general manager ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pagtatago sa mga palaboy para sa APEC, itinanggi

Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang iginigiit ng isang human rights group na daan-daang pamilya ang inalis mula sa mga lansangan bago ang pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at nilinaw na 77 pamilya lang ang “reached-out” ng Department of Social Welfare Office ng Maynila noong nakaraang linggo.

Escudero kay Duterte: Huwag mong idahilan si Poe

Hindi nabulabog ang kampo ni Senator Grace Poe-Llamanzares sa pagsabak ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa presidential elections sa 2016.

BBL, ‘top priority’ pa rin—Drilon

Sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na determinado ang Senado na maisakatuparan ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

4 na big-time drug pusher, tiklo

Arestado ang apat na big-time drug pusher matapos silang masakote sa serye ng buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at City Peace and Order Council sa siyudad na ito.

2 arestado sa pagbebenta ng marijuana

Natiklo ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera, sa isinagawang buy-bust operation, ang dalawang babae dahil sa pagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana, na nagkakahalaga ng mahigit P500,000, sa may Slaughter Compound sa Baguio City.

Problemado sa GF, nagbigti

Hindi nakayanan ng isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang problema niya sa kanyang nobya hanggang ipasya niyang magbigti na lang sa loob ng tanggapan ng DPWH sa Barangay Parsolingan, Gerona, Tarlac.

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril

Dalawang katao ang namatay, kabilang ang misis ng isang barangay chairman, makaraan silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay, nitong Biyernes ng hapon.

Mananaksak, napatay ng sariling ama

Isang lalaki na tinangkang saksakin ang sariling ama ang namatay matapos siyang paghahatawin ng panggatong ng kanyang ama bilang depensa nito sa Barangay Abaca, Bangui, Ilocos Norte, nitong Biyernes.