Home » Archives by category » Balita (Page 2937)

Nagtalo sa parking: 3 patay, 1 kritikal

Patay ang tatlong lalaki habang kritikal ang isa pa makaraan silang pagbabarilin ng kapitbahay dahil lang sa parking space sa loob ng kanilang subdibisyon sa Barangay San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite.

Kagawad na ina ni ‘Pastillas Girl’, pinatay

Binaril at napatay ang ina ng online sensation na si “Pastillas Girl” matapos siyang magsimba kasama ang isa pang anak na babae sa Caloocan City nitong Linggo ng gabi.

Saku-sakong bigas na ibinaon, iimbestigahan

Iniutos na ni National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay ang imbestigasyon sa saku-sakong bigas na itinapon sa Barangay Macaalang, Dagami, Leyte.

97 police trainee, nalason sa adobo

Nalason ang may 97 trainee ng Police Regional Office (PRO)-13 makaraang makakain ng adobong manok at ginataang kalabasa sa Surigao City, Surigao del Norte, iniulat kahapon.

Mag-asawa, binaril sa harap ng anak; patay

Patay ang isang mag-asawa makaraan silang pagbabarilin ng dalawang suspek habang sakay sa isang motorsiklo, kasama ang limang taong gulang nilang anak na babae, sa Sitio Matab-ang, Barangay Day-as, Cordova, Cebu, nitong Linggo ng gabi.

P0.45 dagdag singil sa gasolina

Inalmahan ng mga motorista ang pagpapatupad ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

PH-US relations, nakataya muli sa Laude murder case

Habang inaantabayanan ng mga gobyerno ng Pilipinas at Amerika ang pagbababa ngayon ng desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) sa kaso ng pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude, na ang pangunahing suspek ay isang Amerikanong sundalo, marami ang naniniwala na muling masusubukan ang tibay ng relasyon ng magkaalyadong bansa sa kahihinatnan ng kaso.

Ina, 2 anak, nalunod sa ilog

Isang 35-anyos na ina, kasama ang dalawang menor de edad niyang anak, ang namatay matapos malunod sa ilog sa Barangay Unidos, Nabas, kamakailan.

Lalaki, pinatay sa peryahan

Namatay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng peryahan sa Lipa City, kahapon ng madaling araw.

Pampanga, 12 oras walang kuryente

Malawakang power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Pampanga bukas, Disyembre 1, na aabot ng 12 oras.