Home » Archives by category » Balita (Page 2936)

Anti-obesity drug, depektibo—FDA

Tinanggal ng Food and Drug Administration (FDA) sa merkado ang depektibong batch ng isang anti-obesity drug matapos matuklasang hindi nito taglay ang mga kinakailangang sangkap sa pagbabawas ng timbang.

Kilalang negosyante sa Baguio, natagpuang patay

Isang kilalang negosyante ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Ferdinand, Baguio City, na may saksak ng patalim sa katawan, kahapon ng umaga.

DepEd chief, ginagamit sa panloloko

Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko kaugnay ng isang nagpapanggap bilang si Education Secretary Bro. Armin Luistro para makapanloko.

Gobyerno, magtipid sa tubig at kuryente —Sen. Poe

Iginiit ni Senator Grace Poe sa gobyerno na magtipid sa tubig at kuryente para maging huwaran ng publiko at makatulong na rin para maibsan ang epekto ng climate change.

Patutsada ni Duterte kay Pope Francis, binatikos ng netizens

Sa halip na mabuti ang kalabasan ng pag-endorso ng PDP-Laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kandidato sa pagkapangulo ay naging maasim ang reaksiyon ng taumbayan dito, lalo na ng mga Katoliko.

Turkey, bumubuwelo vs Russia

Sinabi ni Turkish President Tayyip Erdogan na ang kanyang gobyerno ay kikilos “patiently and not emotionally” sa pagpapatupad ng alinmang hakbangin bilang tugon sa pagpapataw ng Russia ng mga sanction sa Turkey.

Lipat-bakod ng ilan sa LP, OK kay Mar

Sinabi ng standard bearer ng administration na si Mar Roxas na hindi siya nababahala sa posibilidad na magsilipat ang ilang leader ng Liberal Party, partikular sa Mindanao, sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na naghain na ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Beijing: Polusyon, umabot na sa delikadong level

Inatasan kahapon ang mga eskuwelahan sa Beijing na panatilihin sa loob ng mga silid-aralan ang mga estudyante kasunod ng record-breaking na polusyon sa hangin sa kabisera ng China, na humigit na nang 35 beses sa ligtas na antas.

Fundamentalism, ‘disease of all religions’—Pope

Inihayag ni Pope Francis na ang fundamentalism ay “disease of all religions”, kabilang ang Simbahang Katoliko, sa kanyang pagbabalik mula sa paglilibot sa tatlong bansa sa Africa upang mangaral tungkol sa pagkakasundu-sundo at pag-asa.

Libreng silip sa UK museums

Disyembre 1, 2001 nang itigil ng English national museums ng United Kingdom ang paniningil ng mga admission fee, bilang resulta ng pangkalatahang eleksiyon sa bansa. Sa ngayon, may mahigit 50 national museum sa UK ang libreng pasukin at libutin. Ang mga museo na pinangangasiwaan ng mga humaliling administrasyon ay libre simula pa noong Abril 1, 2001.