Home » Archives by category » Balita (Page 2911)

Service firearm ng mga pulis-Maynila, sinelyuhan

Sinelyuhan na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dulo ng kanilang service firearm para tiyakin na hindi sila magpapaputok ng baril sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Mahigit 500 katao, 91 barko, stranded sa Batangas Port

Nasa 591 pasahero ang huling naitalang na-stranded sa Batangas Port dahil sa pagkansela ng mga biyahe ng barko dulot ng bagyong ‘Nona’.

Mayor Lani Cayetano, inabsuwelto sa pagkandado sa session hall

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si Taguig City Mayor Laarni Cayetano sa kasong kriminal kaugnay ng pagkandado ng alkalde sa legislative hall kaya hindi nakapagdaos ng sesyon ang konseho.

Pagsuko ng Pakistan

Disyembre 16, 1917, nang sumuko ang pinuno ng puwersang Pakistani na si General Amir Abdullah Khan Niazi kasama ang 93,000 tropa, sa puwersa ng India at ng Mukti Bahini, na pinamunuan ni General Jagjit Singh Aurora. Matapos noon ay naging malayang bansa na ang East Pakistan, na ngayon ay Bangladesh.

Paglalansag ng sindikato ng ‘tanim-bala’, dapat madaliin—Gatchalian

Nanawagan kahapon si Nationalist Peoples Coalition (NPC) Congressman Sherwin T. Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) sa agarang paglansag sa sindikato ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bumibiktima hindi lang sa mga overseas Filipino worker (OFW) kundi maging sa mga dayuhan.

Pagkakasunud-sunod ng party list groups sa balota, nai-raffle na

Natapos na ang automated raffle ng Commission on Elections (Comelec) para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng mga party-list group sa official ballot na gagamitin sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016.

Disqualification vs Duterte, dedesisyunan na

Dedesisyunan na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng paghalili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Martin Diño bilang standard bearer ng PDP-Laban.

Venezuelan, nilunok ang P6.6-M cocaine, nabuking

Hindi umubra sa airport authorities ang modus ng isang 39-anyos na Venezuelan na nilunok ang 92 pellet na naglalaman ng P6.6-milyon halaga ng cocaine na sana’y ipupuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at nagresulta sa kanyang pagkakaaresto noong Linggo.

3 drug dealer, ‘di pinayagang makapagpiyansa

Sinampahan na sa Quezon City Prosecutors Office ng kasong kriminal ang tatlong miyembro ng big-time drug syndicate, kabilang ang isang Chinese, na naaresto matapos mabawi umano sa kanilang pag-iingat ang P30-milyon halaga ng shabu sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Saudi Arabia, bumuo ng Islamic counterterrorism coalition

Sinabi ng Saudi Arabia na 34 na bansang Muslim-majority ang nagkasundo sa pagbuo ng isang bagong alyansang militar para labanan ang terorismo at may joint operations center na nakabase sa kabisera ng kaharian, ang Riyadh.