Home » Archives by category » Balita (Page 2908)

Red tide alert, itinaas sa 7 lalawigan

Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko laban sa pagkain ng shellfish na galing sa Davao Oriental, Bohol, Western Samar, Leyte, Aklan, Iloilo at Biliran, matapos matukoy ng ahensiya na positibo sa red tide toxin ang karagatan ng mga ito.

Aplikasyon sa gun ban exemption, tatanggapin na ng Comelec

Magsisimula nang tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng aplikasyon para sa gun ban exemption, kaugnay eleksiyon sa Mayo 9, 2016.

Netizens’ Watch, inilunsad ng MMDA vs road obstructions

Ineengganyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gamitin ang social media sa pag-uulat ng mga nakabalandrang sasakyan at iba pang nakaharang sa kalsada upang agad itong maresolba ng ahensiya.

Biyudo, binaril ng pulis na natalo sa pusoy

Sugatan ang isang biyudo matapos barilin ng isang pulis na nakatapat nito sa sugal sa Caloocan City noong Lunes ng gabi.

11 katao nalason sa tambakol

Isinugod sa ospital ang 11 katao makaraang malason sa kinaing isdang “tambakol” sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City, iniulat ng pulisya kahapon.

Presyo ng krudo, bumaba

Nagsara ang presyo ng krudo sa pinakamababa sa loob ng pitong taon noong Lunes kasunod ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong Biyernes na panatilihin ang crude production pumping sa kasalukuyang antas sa merkadong umaapaw na ang supply.

NPC, solid pa rin kay Poe—Gatchalian

Nananatiling solido ang suporta ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kay Sen.Grace Poe sa kabila ng patung-patong na kasong diskuwalipikasyon na kanyang kinakaharap sa Commission on Elections (Comelec).

6 na guwardiya ng Bilibid, sabit sa ‘Oplan Galugad’

Nasa balag ng alanganin ngayon ang anim na prison guard sa medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos ang pagsalakay ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Explosives Ordnance Division (EOD) ng Philippine Army sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon bilang bahagi ng Oplan Galugad.

Trainer plane sumadsad; piloto, estudyante, nakaligtas

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Operation Rescue and Coordinating Center (ORRC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagsadsad ng isang light aircraft ilang metro ang layo sa Calapan Airport sa Mindoro Oriental, kahapon.

Miriam: Katiwalian, kahirapan ang tunay na cancer ng bayan

Hinamon ni presidential candidate Senator Miriam Defensor Santiago kahapon ang kanyang mga karibal sa pulitika na magdebate sa problema sa katiwalian at kahirapan ng bansa, at hindi sa kanyang problema sa cancer.