Home » Archives by category » Balita (Page 2812)

Isnaberong taxi driver, ireklamo

Muling hinihikayat ng mga opisyal ang publiko na isumbong ang mga driver na tumangging isakay ang mga pasahero lalo na sa holiday season.

5 residente pinatay ng BIFF sa Maguindanao

Lima ang kumpirmadong patay habang apat na iba pa ang tinangay bilang hostage ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang salakayin nila ang Ampatuan, Maguindanao, noong Huwebes ng umaga.

Pinoy sa Saudi fire, inaalam pa – DFA

Kinukumpirma ng Philippine Consulate sa Jeddah, sa pamamagitan ng kanyang area coordinator sa southern Saudi Arabia, kung mayroong Pilipino na nadamay sa sunog na lumamon sa Jazan General Hospital noong umaga ng Disyembre 24, 2015 na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 107.

Unang working reactor

Disyembre 25, 1946, dakong 6:00 ng gabi, nang sinimulang paganahin ang 24-kilowatt F-1 (“Physics-1”), ang pinakamatandang working nuclear reactor sa mundo, sa Kurchatov Institute sa Moscow, Russia.

Bus vs truck: 17 sugatan

Malubhang nasugatan ang 17 katao makaraang suyurin ng rumaragasang pampasaherong bus ang isang truck sa Pantabangan-Aurora Road sa Purok 7, Barangay Ganduz sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

2 empleyado, huli sa pot session

Arestado ang dalawang lalaki na nahuli sa pot session sa anti-narcotic operation ng pulisya sa Block 3, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Militar, handa sa banta ng BIFF

Nakatanggap ng impormasyon ang ilang operatiba ng pamahalaan na binabalak umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa pangunguna ng isang Mohaiden Animbang, alyas “Kumander Karialan”, na sumalakay sa ilang posisyon ng militar sa Maguindanao, Sultan Kudarat at Cotabato ngayong Pasko.

2 suspek sa Lantawan kidnapping, nadakip

Nadakip ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted sa mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa loob ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng hapon.

Sariling ceasefire, sinuway ng NPA; umatake sa Surigao del Sur

Sinuway ng New People’s Army (NPA) ang sariling tigil–putukan para sa Pasko sa pag-atake sa mga tropa ng Army sa bayan ng San Miguel, Surigao Del Sur, sinabi ng militar.

Pagsabog sa Basilan, 2 patay

Dalawang katao ang namatay sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa isang rubber plantation sa Sumisip, Basilan, kamakalawa ng hapon.